Dela Rosa, handang magbitiw kung 'pabigat' kay Duterte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dela Rosa, handang magbitiw kung 'pabigat' kay Duterte

Dela Rosa, handang magbitiw kung 'pabigat' kay Duterte

ABS-CBN News

Clipboard

President Rodrigo Roa Duterte speaks with Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa at the sidelines of the New Year Vin D’ Honneur at the Rizal Hall in Malacañan Palace. Toto Lozano, Malacanang Photo

Handa umano si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa na magbitiw sa puwesto kung ipaguutos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpalabas ng press statement si PNP spokesperson Sr. Supt. Leonardo Carlos Sabado ng umaga kasunod ng panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez, maging ng ilang netizen sa social media, na magbitiw na si Dela Rosa dahil sa pagkakapatay sa Koreanong si Ick Joo Jee sa loob mismo ng Kampo Crame.

Sa isang panayam kay Dela Rosa Sabado ng umaga, sabi ng hepe na kakausapin daw niya si Duterte ukol sa isyu.

"I am ready, I will ask the president kung pabigat ako sa kanya...then...I will ask him," aniya.

ADVERTISEMENT

Dagdag rin niya, hindi muna kailangang magbigay ng pormal na sulat ukol sa posibleng pagbibitiw niya sa puwesto.

"Hindi na po kailangan ng formal [resignation letter], kausapin ko na lang siya," sabi ni Dela Rosa.

Ayon naman kay Carlos, kailangan munang unawain ang kaso ni SPO3 Ricky Sta. Isabel, na nasa kustodiya na ng PNP, dahil hindi naman aniya pwedeng mabura ang 6 na buwan na nagawa ng kapulisan sa ilalim ng liderato ni Dela Rosa.

Binigyang-diin pa ni Carlos na tinututukan ng PNP ang kidnap-slay case. --mula sa mga ulat nina Henry Atuelan, Jeff Hernaez, DZMM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.