Bakit kinansela ang lisensiya ng Rappler? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit kinansela ang lisensiya ng Rappler?

Bakit kinansela ang lisensiya ng Rappler?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 16, 2018 01:44 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) nitong Lunes ang lisensiya ng online news site na Rappler.

Sa resolusyon na inilabas ng SEC noong Enero 11, lumabas na nilabag umano ng Rappler ang probisyon sa Saligang Batas na naglilimita sa pagmamay-ari ng isang banyag sa isang media outlet sa bansa.

Ayon sa SEC, ibinase nila ang desisyon sa pagbenta ng Rappler ng Philippine Depository Receipts (PDRs) sa dayuhang kompanyang Omidyar Network Fund, na itinayo ng negosyante at tagapagtatag ng eBay na si Pierre Omidyar.

Ang PDR ay isang investment instrument na siyang nagbibigay ng dibidendo sa mga mamumuhunan nito, kabilang ang mga dayuhan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa SEC, lumabag ang Rappler sa Konstitusyon nang payagan nitong magdesisyon at magkaroon ng veto power ang isang dayuhang personalidad na may hawak ng PDR.

Mali umano ito, sabi ng SEC, dahil wala dapat kinalaman ang sinumang banyaga sa pamamalakad ng isang Filipino media company.

Mariin namang pinabulaanan ng Rappler ang mga paratang.

Iginiit ng news outfit na namumuhunan lang ang kompanya at hindi nila pag-aari ang news website.

"Philippine Depository Receipts do not indicate ownership. This means our foreign investors, Omidyar Network and North Base Media, do not own Rappler," pahayag ng Rappler.

"They invest, but they don't own. Rappler remains 100-percent Filipino-owned," dagdag pa ng news website.

Dagdag ng SEC, bibigyan nila ng kopya ng resolusyon ang Department of Justice para sa kaukulang aksiyon.

Dati nang pinaratangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Rappler ay lubos na pagmamay-ari ng mga Amerikano.

Panggigipit

Itinuturing namang panggigpit ni Maria Ressa, chief executive officer ng Rappler, ang desisyon ng SEC.

"I guess this is the last part of the kind of harassment that journalists have had in the last year or so," sabi ni Ressa sa isang press conference.

"We stand tall. We stand firm. It's good. This is a moment we say we stand for press freedom," dagdag ni Ressa.

Sinabi rin ni Ressa na lalabanan nila ang desisyon at pinaplano na ng kanilang mga abogado ang susunod na hakbang.

Nirerespeto

Iginiit naman ng Malacañang na nirerespeto nila ang naging desisyon ng SEC.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may kapangyarihan ang SEC na tukuyin ang legalidad ng mga korporasyon sa bansa.

"The Constitution sets restrictions on the ownership and management of mass media entities to which all must abide," ani Roque.

"No one is above the law. Rappler has to comply," sabi ng opisyal.

Dagdag pa ni Roque, maaari namang gamitin ng Rappler ang lahat ng legal na paraan para mabaligtad ang desisyon ng SEC bago pa ito maging pinal.

Nagpahayag naman ng suporta para sa news website ang iba't ibang samahan tulad ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, the Movement Against Tyranny, at National Union of Journalists in the Philippines.

-- May ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.