LIST: Mga hakbang na dapat gawin kapag may ash fall | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LIST: Mga hakbang na dapat gawin kapag may ash fall

LIST: Mga hakbang na dapat gawin kapag may ash fall

ABS-CBN News

Clipboard

Nakataas na ngayon sa Alert 4 ang bulkang Taal na magbubunsod ng mapanganib na mga pagsabog sa mga susunod na oras. Sa panahon ng pagsabog ng mga aktibong bulkan, ano nga ba ang mga kinakailangan hakbang para maging handa?

Una, kailangan nating alaming kung ano nga ba ang volcanic ash na ibinubuga ng bulkan. Ayon sa depinisyon ng Phivolcs, ang volcanic ash ay mga napinong bato na isinabog sa himpapawid ng bulkan.

Nagiging mapanganib ito dahil sa gaspang at pino nito at nagiging mapanganib sa kalusugan ng mga tao at hayop, sa mga lumilipad na mga eroplano, nakakasira ng mga elektronikong gamit at makinarya, sumasagabal sa serbisyo ng tubig, kuryente at komunikasyon.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), ang abo mula sa ashfall ay maaaring magdulot ng nose and throat irritation, coughing, bronchitis-like illness, discomfort while breathing, eye irritation, and minor skin problems.

ADVERTISEMENT

“If you are experiencing any of these symptoms, seek immediate medical attention at the nearest health facility," ani Health Secretary Fransisco Duque III.

Abiso rin ni Duque na manatili na lamang sa loob ng bahay at iwasan na ang mga aktibidad sa labas. Kung kailanganing lumabas, gumamit ng N95 mask at magsuot ng goggles.

Dagdag pa niya, patayin din ang mga appliances katulad ng air conditioner at fan. Isarado rin ang mga bintana at pintuan para maiwasan ang pagpasok ng abo at manatiling handa.

“For those evacuating, exercise caution when driving in low visibility, and bring extra water for cleaning your front mirrors in case of heavy ashfall,” Duque said.

Bilang mapinsala sa kalusugan ng tao at hayop pati na rin sa ating mga pang-araw-araw na mga gawain, ito ang mga hakbang na ating maaaring gawin bago, habang at pagkatapos ng pagbugso ng ashfall.

Ayon naman sa Phivolcs at Department of Health, ito ang mga hakbang na dapat gawin bilang paghahanda sa ashfall.

BAGO ANG ASHFALL:

  • Makinig sa radyo, telebisyon o mga balita sa social networking sites para sa mga updates mula sa mga awtoridad kung sakaling may paparating na pagputok ng bulkan nagbubunsod ng ashfall.
  • Ihanda ang inyong emergency supply kit at ilagay sa abot kamay na lugar. Narito ang gamit na nasa loob dapat ng inyong emergency supply kit:

  1. First aid kit and medications (alcohol, bandages, absorbent cotton, gauze, masks, adhesive plasters, medicine, tweezers)
  2. Food
  3. Bottled water
  4. Flashlights and batteries
  5. Radio (battery operated)
  6. Lighters and matches
  7. Whistle
  8. Dust mask
  9. Goggles
  10. Knife
  11. Blankets and spare clothes
  12. Rope - at least 7 meters long
  13. Plastic wrap (to keep ash out of electronics)
  14. Toiletries
  15. Pen and paper
  16. Emergency contact numbers
  17. Cash

  • Maghanda ng mga dust mask o kaya’y malinis na telang panakip sa ilong at goggles bilang proteksyon sa mga mata.
  • Maghanda ng mga gamit panlinis katulad ng walis, vacuum cleaner, mga extrang bag at mga filter at pala.
  • Kung may sasakyan, maghanda rin ng mga store emergency supplies sa loob.
  • Maghanda ng pagkain at tubig para sa mga alagang hayop pati na rin mga manok at baboy kung ikaw ay nasa mga sakahan.
  • Alamin ang lokasyon ng inyong evacuation area.
  • Kung may mga anak na nag-aaral, alamin ang emergency plan ng mga anak.
  • Maghanda ng mga indoor games at iba pang mga aktibidad para sa mga bata.

HABANG MAY ASHFALL:

  • Maging kalmado. Manatili sa loob ng lugar. Takpan ang ilong at bibig ng basa at malinis na tela o dust mask.
  • Isarado ang lahat ng bintana at pintuan ng bahay at sasakyan.
  • Maglagay ng basang tuwalya o tela sa mga bukasan ng pinto at iba pang mga open source.
  • Hugasan ang lahat ng prutas at gulay na kakainin.
  • Takpan ang lahat ng pagkain at inumin upang maiwasan ang kontaminasyon ng abo.
  • Makinig sa radyo, telebisyon o mga balita sa social networking sites para sa mga updates o developments hinggil sa volcanic eruption.
  • Itago ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan o sa loob ng inyong bahay para maiwasang makahinga ng abo.
  • Kung nagmamaneho, tumigil muna sa tabi ng kalsada kung may heavy ashfall dahil nagdudulot ito ng poor o low visibility.
  • Kung nasa labas, maghanap ng mapagsisilungan at magsuot ng salamin pamproteksyon sa mata at iwasang gumamit ng contact lenses.

PAGKATAPOS NG ASHFALL:

  • Agad na tanggalin gamit ng pala ang mga abong naipon sa mga bubong para maiwasan ang pagguho.
  • Pagkatapos nito, linisan pa ang bubong gamit ang tubig para maiwasan ang pag-aagnas.
  • Linisin ang mga pinto at bintana ng bahay at sasakyan. Gumamit ng tubig bago sabunan kasama ng maligamgam na tubig.
  • Ipunin ang abo sa isang lugar at iwasan ang mga malapit sa water drainage para maiwasan ang pagbabara nito.
  • Linisin muna ang mga damo bago ipakain sa mga alaga sa bukid.
  • Pakuluuan muna ang tubig bago inumin.
  • Gumamit ng powdered soap sa paglaba ng damit na punong-puno ng abo.
  • Gumamit ng vacuum cleaner o pagpagan ang mga furniture para mawala ang mga abo. Takpan ang bibig at ilong kapag naglilinis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.