Solar panel ng PHIVOLCS station malapit sa Mayon, tinangay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Solar panel ng PHIVOLCS station malapit sa Mayon, tinangay

Solar panel ng PHIVOLCS station malapit sa Mayon, tinangay

ABS-CBN News

 | 

Updated May 16, 2019 12:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi gumagana ngayon ang remote station ng PHIVOLCS sa Barangay Padang, Legazpi City matapos umanong nakawin ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang dalawang solar panel nito.

Ginagamit ang istasyon upang ma-monitor ng ahensya ang galaw sa loob ng bulkang Mayon.

Pero noong Disyembre 21, 2017 napansin ng pamunuan ng PHIVOLCS-Legazpi na hindi na ito nakapagpapadala ng datos, na noo'y inakalang epekto lamang ng matinding ulan sa lugar.

Nang inspeksyunin, nadiskubre na tinangay na pala ng magnanakaw ang 2 solar panel at baterya ng remote station.

ADVERTISEMENT

Bukod sa power supply, pinangangambahan ng PHIVOLCS na maaaring mas malaking pinsala pa ang tinamo ng monitoring equipment kung sakaling hindi maayos ang pagkakatanggal ng ilang parte.

"Iba ang pagkaputol nila ng wire, hindi na nagpa-function ang equipment na ginagamit sa pag-monitor ng earthquake," ani Ed Laguerta, resident volcanologist ng PHIVOLCS-Legazpi.

Ilang araw pa ang hihintayin bago mapalitan ang baterya ng solar panel at doon pa lamang malalaman kung nasira ang mga equipment.

Nanghihinayang at nahihiya ang PHIVOLCS lalo't partner-project ito ng ahensya at Nanyang University ng Singapore.

Ilang beses na ring pinagnakawan ang nasabing remote station dahil hindi naman magdamag ang duty ng caretaker.

ADVERTISEMENT

Tiniyak ng PHIVOLCS na namo-monitor pa naman ang aktibidad ng bulkang Mayon pero mas mainam kung kumpleto ang impormasyon mula sa lahat ng remote stations.

Nasa alert level 1 ngayon ang Mayon.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.

--Ulat ni Thea Omelan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.