Binatilyong nanggahasa ng kapatid, sinubukan ding halayin ang nanay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Binatilyong nanggahasa ng kapatid, sinubukan ding halayin ang nanay

Binatilyong nanggahasa ng kapatid, sinubukan ding halayin ang nanay

Isay Reyes,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 29, 2019 06:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Inaresto ang isang 17-anyos na binatilyo matapos umano niyang gahasain ang kaniyang kapatid at pagtangkaang halayin ang kanilang ina sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

"Okay lang po na mahuli siya. Baboy naman po ang tingin niya sa amin. Binababoy niya po kami," sabi ni alyas Clara, ina ng binatilyong si "Karlo."

Kuwento ng ginang, pinagbantaan umano siya ng anak hawak ang isang kutsilyo habang binababa ang kaniyang shorts.

Una na aniya siyang sinubukang galawin ng bata nitong nakaraang taon habang siya ay natutulog.

ADVERTISEMENT

"Ibinuka po niya shorts ko. Sabi ko, anong ginagawa mo? Sabi niya sa akin, 'Ma, isa lang.' Akala ko nga pera ang hinihingi niya," dagdag ni Clara.

Nitong Lunes ng gabi lang din nalaman ng ginang na hinalay pala ni Karlo ang kaniyang 10-taong-gulang na babaeng kapatid.

Pinagbantaan din umano ni Karlo ang bata kaya nakapagsumbong lamang ito nang magtungo sila sa mga barangay official.

Umamin naman ang binatilyo na gumamit siya ng ilegal na droga.

"Nakapag-shabu po ako. Nasobrahan lang po siguro. Pasensya na po," sabi ni Karlo.

"Nahihiya po ako. Nagsisisi po ako. Nakainom lang po ako kaya nagdilim paningin ko," dagdag niya.

Dahil menor de edad ang suspek, ilalagay muna siya sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development. Maaari siyang maharap sa kasong rape.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.