1,700 pasahero ng MRT pinababa dahil sa magkasunod na aberya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1,700 pasahero ng MRT pinababa dahil sa magkasunod na aberya

ABS-CBN News
Published Jan 09, 2018 02:35 PM PHT

MANILA - Pinababa nang wala sa oras ang nasa 1,700 na pasahero sa Shaw Boulevard station ng MRT-3 dahil sa magkasunod na aberya ngayong Martes.

Alas-8:19 ng umaga nagkaroon ng "train failure" ang isang southbound na tren, dahilan para i-unload ang nasa 900 pasahero, ayon sa abiso ng Department of Transportation.

Nagkakaroon anila ng train failure kapag sinasandalan o puwersahang binubuksan ang pinto ng mga tren.

Pinababa naman ang nasa 820 pasahero ng isang northbound train alas-10 ng umaga dahil naman sa problema sa automatic train protection system, ayon sa DOTr.
Mula nitong Bagong Taon, 6 sa 9 araw nakapagtala ng "technical problem" sa MRT na may halos kalahating milyong pasahero araw-araw, ayon sa website ng ahensya.

ADVERTISEMENT
May ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT