Mga bulok at mausok na sasakyan, huhulihin simula Miyerkoles | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bulok at mausok na sasakyan, huhulihin simula Miyerkoles

Mga bulok at mausok na sasakyan, huhulihin simula Miyerkoles

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 13, 2019 02:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Simula Miyerkoles, Enero 10, huhulihin na at pagmumultahin ang mga sasakyang bulok o despalinghado at mausok o smoke-belchers.

Saklaw nito ang mga pampubliko at pribadong sasakyan.

Nitong Lunes, sinampolan na ng mga tauhan ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Metropolitan Manila Development Authority ang mga bus at jeep na kakarag-karag.

Mismong si Department of Transportation Undersecretary Thomas "Tim" Orbos ang nanguna sa inspeksiyon ng mga sasakyan para sa "Oplan Tanggal Bulok at Tanggal Usok" ng Interagency Council for Traffic.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga nasita ang isang jeep na may nakapasak na cup noodle container sa turnilyo ng gulong at isa pang jeep na hindi humihinto kahit itinodo na ang paghila sa handbrake.

Sa kabuuan, 255 sasakyan ang nasampolan ng programang tanggalin sa mga kalsada ang mga sasakyang hindi na "road-worthy" o hindi na aabot sa pamantayan para matiyak ang kaligtasan ng pumapasada at ng iba pang motorista.

Ticket at warning lang ang natanggap ng mga drayber ng mga nasitang sasakyan kanina.

Pero simula sa Miyerkoles, may karampatang multa na ang mga mahuhuli.

Sa mga may depektibo o kulang-kulang na bahagi ng sasakyan, magmumulta ng P5,000 at pansamantalang masususpende rin ang operasyon kung namamasada.

ADVERTISEMENT

Iba pa ang multa sa basag-basag na windshield at side mirror.

Isang taon namang suspensiyon at multang P2,000 hanggang P6,000 ang ipapataw sa smoke belchers.

Kapag naman hindi tama ang kasuotan ng motorista, tulad kung naka-tsinelas lang habang nagmamaneho, pagmumultahin ng P1,000.

Unang ipatutupad sa Metro Manila ang programa bago palawigin sa buong bansa.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.