Lolang turista, nagtampo sa anak, naglayas, naligaw | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lolang turista, nagtampo sa anak, naglayas, naligaw

Lolang turista, nagtampo sa anak, naglayas, naligaw

ABS-CBN News

Clipboard

Magdamag nanatili ang 57 anyos na si Maribel Cabuyao sa tanggapan ng Baguio police matapos maglayas at mawala sa lungsod nang makatampuhan ang anak.

Muling nagtagpo ang isang 57 taong gulang na ginang at ang kaniyang anak matapos magkahiwalay sa buong magdamag habang nagbabakasyon sa Baguio City.

Kuwento ng nawalang si Maribel Cabuyao, na mula pa Mauban, Quezon, dinala siya ng kaniyang anak sa lungsod para magbakasyon noong Bagong Taon.

Pero nagkaroon umano sila ng pagtatalo noong Biyernes na naging dahilan para umalis si Cabuyao at pumunta sa terminal ng bus para umuwi ng Quezon.

"Namasyal pa naman daw sila dito sa Burnham [Park] pero noong hindi sila nagkaintindihan ng anak kaya lumayas siya, umalis siya sa kanila," sabi ni Senior Police Officer 4 Hilaria Oribillo, deputy chief ng Baguio Women and Children's Protection Desk.

ADVERTISEMENT

Subalit walang dalang pera ang ginang at hindi umano siya marunong magbasa.

Gabi na nang maisipan ni Cabuyao umuwi pero hindi niya matandaan ang daan pabalik sa tinutuluyang bahay.

Ayon kay Oribillo, may concerned citizen umano na nagdala kay Cabuyao sa tanggapan ng pulisya matapos makitang pagala-gala ang matanda sa terminal.

Pinatulog ito sa presinto at sinikap na makipag-ugnayan sa anak gamit ang Facebook.

Sabado ng hapon nang pumunta sa istasyon ng pulis ang anak ni Cabuyao para sunduin ang ina.

Payo ng Baguio police, lalo na ngayong panahon na maraming turista sa lungsod, suotan ng ID ang mga kasamang matanda na naglalaman ng kanilang pangalan at contact information.

-- Ulat ni Melinda Ramo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.