Nene, 5, 'hinalay' ng kapitbahay habang may lamay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nene, 5, 'hinalay' ng kapitbahay habang may lamay

Nene, 5, 'hinalay' ng kapitbahay habang may lamay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 04, 2019 03:56 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang construction worker matapos umanong halayin ang kapitbahay na limang taong gulang na babae sa Maragondon, Cavite noong Miyerkoles.

Kuwento ng nanay ng batang itinago sa pangalang “Mariz,” iniwan niya ang anak sa bahay kasama ang mga kalaro para makipaglamay sa huling burol ng mismong ama ng suspek na si Albert Gever.

Dagdag pa niya, nagulat na lang siya pag-uwi sa bahay nang datnan si Gever sa kanilang kuwarto kasama ang limang taong gulang na anak na wala nang saplot at ginagawan ng kahalayan.

Agad humingi ng tulong ang nanay ng bata kaya mabilis naaresto ang suspek na tatakas na sana.

ADVERTISEMENT

Galit at pagkabigla ang nararamdaman ng nanay ng bata dahil hindi niya inakalang ang kanilang kapitbahay at itinuring na kaibigan ang magsasamantala sa kaniyang anak.

Depensa naman ng suspek, blangko siya sa nangyari dala ng sobrang kalasingan at hindi niya kayang gawin iyon sa bata lalo't kaibigan rin niya ang pumanaw na ama ng biktima.

Lumalabas na positibong hinalay ang biktima base sa medicolegal, habang kinasuhan na ng statutory rape ang suspek.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.