SAPUL SA CCTV: Gotohan sa Parañaque, hinoldap | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Gotohan sa Parañaque, hinoldap

SAPUL SA CCTV: Gotohan sa Parañaque, hinoldap

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 03, 2019 03:30 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang gotohan sa Parañaque City ang hinoldap ng apat na lalaki alas-2:30 ng madaling araw kahapon.

Sa kuha ng CCTV, isa-isang pumasok sa loob ang mga suspek na nakasuot ng helmet at long sleeves habang kumakain ang mga kustomer.

Tinutukan ng baril at kinuha ng mga holdaper ang mga cellphone at bag ng mga kustomer.

May isang kustomer ang pinaputukan sa binti at sinipa matapos pumalag.

ADVERTISEMENT

Pagkatapos, pumunta ang mga suspek sa counter at kinuha ang pera mula sa drawer.

Kinuha pa ng isang holdaper ang bag sa ilalim ng counter para gawing lalagyan ng ibang mga ninakaw.

Nasa P15,000 ang naiulat sa pulis na halaga ng perang natangay. Ang P6,000 nito ay kita umano mula sa gotohan.

Iniimbestigahan na ngayon ng Parañaque police ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.