Dating Palawan gov na sangkot sa Ortega murder laya na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating Palawan gov na sangkot sa Ortega murder laya na

Rex Ruta at Jay Zabanal,
ABS-CBN News
Published Jan 05, 2018 08:02 PM PHT
|
Updated Jan 05, 2018 10:38 PM PHT

Nakalaya na ang dating gobernador ng Palawan na si Joel Reyes matapos ang mahigit dalawang taon ng pagkakakulong, ayon sa abogado nito.

Ayon kay Atty. Demetrio Custodio, natanggap nila nitong Biyernes ng umaga ang desisyon mula sa Court of Appeals (CA) na dismissed na ang kaso laban kay Reyes dahil sa pagpatay kay Dr. Gerry Ortega, isang brodkaster at environmentalist, noong 2011.

Ito'y matapos nila kuwestiyonin sa CA ang pagbaba ng warrant of arrest ng mababang hukuman base sa testimonya ni Rodolfo Edrad Jr. alyas "Bomar," bagay na kinatigan ng korte.

Kinumpirma naman ni Jail Chief Inspector Lino Soriano na kaninang alas-4 ng hapon, lumaya na ang dating gobernador.

ADVERTISEMENT
Ayon naman sa tagapagsalita ng dating gobernador na si Rolando Bonoan Jr., agad itong lilipad patungong Coron.

Inaresto sa bansang Thailand noong Setyembre 20, 2015 ang dating gobernador at kapatid nito na si Mario Reyes, dating mayor ng Coron, dahil sila umano ang mastermind sa pagpatay kay Ortega.

Pinatay si Ortega noong Enero 24, 2011 sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Nauna nang pinayagan ng korte na magpiyansa si Mario Reyes. Nahatulan naman sa kasong murder ang gunman na si Marlon Recamata noong 2013 at ang aide ng dating gobernador na si Arturo Regalado sa parehong kaso noong 2016.

Patay na rin ang ilang sangkot sa krimen na sina Percival Lecias, Dennis Aranas at abogadong si Romeo Serratubias.

Ayon sa pamilya Ortega, ang exposé ng doktor sa mga umano'y korapsyon ng dating gobernador, gaya ng paglustay umano sa pondo ng Malampaya, ang naging mitsa ng pagkamatay nito.