Lauro Vizconde, kritikal ang kondisyon matapos atakihin sa puso | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lauro Vizconde, kritikal ang kondisyon matapos atakihin sa puso

Lauro Vizconde, kritikal ang kondisyon matapos atakihin sa puso

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Kritikal ang kondisyon ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairman emeritus Lauro Vizconde matapos atakihin sa puso noong Huwebes ng gabi.

Kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng Unihealth-Parañaque Hospital si Vizconde matapos muling ma-cardiac arrest Biyernes ng hapon.

Ayon sa mga pamangkin nito na sina Jonah Vizconde De Luna at Rodel Vizconde, Martes nang dalhin ang matandang Vizconde sa ospital matapos magreklamo na masama ang pakiramdam.

Lalabas na sana ito ng ospital ngayong Biyernes ngunit sumama naman ang kalagayan nito.

ADVERTISEMENT

"Bumagsak na 'yung sugar niya. Sabi ng mga doktor yesterday, dalawa lang, it's either aneurism or embolism," sabi ni Rodel Vizconde.

Dagdag pa ng mga pamangkin ni Vizconde, may iniinda rin itong diabetes at pulmonya.

"All I can say is he's a fighter. Maprinsipyong tao yung tito ko and I hope he continues to fight," sabi naman ni Jonah Vizconde De Luna.

Nagtungo na sa ospital ang ilang opisyal ng VACC para dalawin ang kanilang 79-anyos na chairman emeritus.

Matatandaang pinaslang ang asawa ni Vizconde at kanyang dalawang anak na babae sa kanilang tahanan noong 1991.

Naghudyat ito para maging adbokasiya ni Vizconde ang paglaban sa krimen kasama ng iba pang mga personalidad sa VACC. Ulat ni Zhander Cayabyab, dzMM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.