Ancestral house sa Bulacan, patok na Christmas pasyalan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ancestral house sa Bulacan, patok na Christmas pasyalan

Ancestral house sa Bulacan, patok na Christmas pasyalan

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 30, 2017 09:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dinarayo ang isang ancestral house sa Calumpit, Bulacan matapos gawing atraksiyon para sa Pasko gamit ang mga lumang kagamitan.

Ilan sa mga materyales na ginamit ng pamilya Tetangco para mas pasiglahin ang kanilang 1940 ancestral house ay mga lumang gulong, bintana, at papag.

Maging lumang drum at tukaan ng manok ay inayos para maging palamuti ng bahay.

Unang binuksan ang Casa Tetangco noong 2015, sa pangunguna ng bunsong anak ng mga Tetangco na si Von.

ADVERTISEMENT

"Dati kasi masaya itong bahay kaya lang unti-unting nag-iba ... nais naming maibalik ang saya," ani Von Tetangco.

Bukod dito, makikita din ang makukulay na Christmas tree, Santa Claus at Christmas village.

Mayroon din silang tindahan ng mga cake at iba pang merienda.

Ang malilikon na pondo'y gagamitin para sa mga matatamis na pagkaing ipamimigay ng pamilya Tetangco sa mga bibista sa kanila sa bisperas at mismong araw ng Pasko.

Bukas ang tahanan sa publiko hanggang Enero 2018. Libre ang pagpasok.

-- Ulat ni Winnie Cordero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.