Back-to-back win ng mga Pinay: Reina Hispanoamericana at Miss Earth 2017 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Back-to-back win ng mga Pinay: Reina Hispanoamericana at Miss Earth 2017

ABS-CBN News
Published Nov 05, 2017 01:53 PM PHT

Angat ang angking alindog at galing ng pag-iisip ng mga pambatong kandidata ng Pilipinas na kapwa nagwagi sa katatapos na Reina Hispanoamericana at Miss Earth 2017.

Kinoronahang Reina Hispanoamericana 2017 si Winwyn Marquez nitong gabi ng Sabado (umaga ng Linggo sa Pilipinas, Nobyembre 5) sa pageant na idinaos sa Bolivia.

Si Marquez ang kauna-unahang Pilipinang lumaban at nagwagi sa nasabing beauty pageant.

Tinalo niya ang 26 na iba pang kandidatang nagpasiklab din sa kompetisyon.

ADVERTISEMENT
Inilipat sa kaniya ng dating Reina Hispanoamericana na si Maria Camila Soleibe ng Colombia ang korona.

Sa question-and-answer portion ng pageant, tinanong si Marquez kung paano niya isusulong ang Hispanic-American culture kung malaking hadlang dito ang wika.

Tugon ni Marquez: “Language can be learned but the will and determination to contribute to the organization cannot. It has to come from the heart. It has to be natural. I believe that kindness is a universal language that if you treat people with tolerance, patience and love, you will understand each other.”

Dagdag pa ng beauty queen: “The Hispanic culture is not about language only. It’s about love for God, love for country, love for history and culture and love for family. As a Filipina with a unique heritage, I have instilled that. I am ready to promote the Hispanic culture not just in Asia but in the whole world. It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated.”

Ilang special award din ang nakuha ni Marquez sa pre-pageant activities.

Anak si Marquez ng mga batikang artistang sina Alma Moreno at Joey Marquez.

Pamangkin din siya ng dating Miss International na si Melanie Marquez.

Miss Earth 2017
Itinanghal na Miss Earth 2017 ang pambato rin ng Pilipinas na si Karen Ibasco, nitong Sabado, Nobyembre 4.

Isang medical physicist si Ibasco na may adbokasiyang nagsusulong sa renewable at sustainable na enerhiya para mapangalagaan ang kalikasan.

Sa huling Q&A ng pageant, tinanong si Ibasco kung ano sa tingin niya ang pinakamalaking kalaban ni Inang Kalikasan, at bakit.

Tugon ni Ibasco: “I believe that the real problem in this world is not climate change. The real problem is us because of our ignorance and apathy. What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting our steps because together, as a global community, our micro-efforts will have a macro-effect to help save our home, our planet.”

Ipinasa ni Miss Earth 2016 winner Katherine Espin ng Ecuador ang korona kay Ibasco.

Huling nagwaging Miss Earth ang Pilipinas noong 2015 kung kailan lumaban si Angelia Ong. Noong 2014, ang pambato rin ng Pilipinas na si Jamie Herrel ang nagwaging Miss Earth.
Bukod kay Ibasco, itinanghal na Miss Earth Air 2017 si Miss Australia Nina Robertson, na may dugo ring Pinay; Miss Earth Fire 2017 ang kinatawan ng Russia na si Lada Akimova; habang Miss Earth Water 2017 si Juliana Franco na mula sa Colombia.

Miss Globe 2017
Itinanghal naman si Binibining Pilipinas Globe Nelda Ibe na 1st runner-up sa Miss Globe 2017 beauty pageant na idinaos sa Tirana, Albania, nitong Biyernes, Nobyembre 3.

Tinaguriang "The Pilot Queen" ang 24 anyos na cadet pilot.

Nagwaging Miss Globe 2017 ang kinatawan ng Vietnam na si Khanh Ngan.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
pageant
good news
balita
Reina Hispanoamericana
Miss Earth 2017
Miss Globe 2017
Winwyn Marquez
Karen Ibasco
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT