Ilang Hapon, 'bahag' ang suot habang naghahakot ng basura | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang Hapon, 'bahag' ang suot habang naghahakot ng basura

ABS-CBN News
Published Oct 08, 2017 06:48 PM PHT

Naging karaniwang gawain na para sa isang grupo ng mga Hapon na magsuot ng "bahag" habang naghahakot ng basura sa Tokyo, Japan.

Tinatawag na "fundoshi" ang kanilang suot na maikukumpara sa isang bahag. Tulad ng bahag dito sa Pilipinas, isa ring tradisyonal na kasuotan sa Japan ang fundoshi.

Kapag malamig ang panahon, nagsusuot din ng tradisyonal na "happi coat" ang mga namumulot ng kalat.

May ilan ding ginawan ng bulsa ang kanilang fundoshi para may lalagyan ng gamit habang namumulot ng basura.

ADVERTISEMENT
Itinuturing mang kasuotan ng mga lalaki, may babae ring nagsusuot ng fundoshi at nakikilahok sa pagpulot ng basura.

Boluntaryo ang pagsali sa grupong halos isang taon nang nagsasagawa ng paglilinis ng mga kalsada habang sila'y nakasuot ng fundoshi.

Ayon sa mga nakikilahok, nais nilang itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa fundoshi.

Layunin din daw nilang panatilihing malinis ang siyudad. -- Ulat mula sa Reuters