ALAMIN: Bakit nabubulok ang ngipin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit nabubulok ang ngipin
ALAMIN: Bakit nabubulok ang ngipin
ABS-CBN News
Published Oct 08, 2016 04:47 AM PHT

Ang normal na bilang ng ngipin ng isang tao ay nasa 32. Bawat isang ngipin ay may mahalagang gampanin sa maayos na pagnguya.

Sa programang "Magandang Gabi Dok," ipinaliwanag ni Dr. Emabel Sibayan Jugo ang dahilan kung bakit nabubulok ang ngipin ng isang tao.

Ayon kay Jugo, pangulo ng Endodontic Society of the Philippines, nasisira ang mga ngipin kapag hindi ito palaging nalilinisan.

"Kung hindi ka nagtu-toothbrush, kung palaging may pagkain sa bibig mo, unti-unting nasisira ang ngipin," dagdag ng dentista.

Ang pagkabulok ng mga ngipin at pagsakit ng mga gilagid ay dulot ng bacteria. Tinatawag na plaque ang bacteria na namuo sa ngipin, kumain man ang isang tao o hindi.

Kapag ang plaque ay hindi naalis sa mga ngipin, dudurugiin nito ang mga starch at sugar sa pagkain at gagawing acids. Ang acids na ito ang sumisira sa enamel ng ngipin na siyang nagdudulot ng pananakit nito.

Paliwanag ni Jugo, naaapektuhan ng mikrobyo ang pulp o nerve sa ngipin kaya nakakaramdam ng pagkirot.

Aniya, para maiwasan ang pagkabulok ng ngipin, mahalaga ang palagiang pagsisipilyo.

"You need to brush thoroughly two to three times a day. And then with brushing, nagde-dental floss ka rin," sabi ni Jugo.

Isa rin sa makakatulong sa pag-aalaga ng ngipin ay ang paglalagay ng fluoride solutions.

"Ang flouride, 'yan ang nagpapatigas ng ngipin. It is additional mineral to strengthen your teeth," payo ni Jugo.

Ngunit ayon kay Jugo, mas mainam na ipasuri pa rin ang mga ngipin sa dentista dalawang beses sa isang taon.

Samantala, bukod sa pananakit, ang hindi naalagaang ngipin ay nagdudulot ng mabahong hininga.

"Ang unang dahilan ng bad breath ay 'pag may bulok na ngipin sa bibig o maraming plaque o tartar," paliwanang ni Jugo. "'Pag bulok na ang ngipin, nagre-release na siya ng mabahong amoy."

Ang ganitong bulok na ngipin ay hindi na nadadaan sa pagsisipilyo, bagkus ay nangangailangan ng pagsusuri ng dentista.