Babae, mga asong kulang ang paa ang alaga | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, mga asong kulang ang paa ang alaga

Babae, mga asong kulang ang paa ang alaga

ABS-CBN News

Clipboard

Naaalala pa ni Sarah Naval ang unang pagkikita nila ng asong si Putol, na kakaiba sa karaniwang aso dahil dalawa lamang ang mga paa nito.

Taong 2014 nang kinaaliwan ni Naval si Putol na noong panahon na 'yon ay tutang alaga ng kaniyang kapitbahay.

"Kapag gabi na, tulog na sila. Dinadala ko dito sa amin tapos tabi kaming matulog. Isasauli ko siya kapag umaga na," kuwento ni Naval sa programang "Matanglawin."

Ang problema ay ayaw ipaampon sa kaniya ng kaniyang kapitbahay si Putol.

ADVERTISEMENT

"Noong sinabi na nila hindi talaga nila puwedeng ipaampon, iniyakan ko sila doon, 'yon saka binigay sa akin," saad niya.

Sa lahat ng asong inalagaan ni Naval, si Putol daw aniya ang pinaka-espesyal.

"Hindi siya natutulog hangga't hindi ako umuuwi sa bahay," natutuwang sabi ni Naval.

Ngunit isang araw ay nagkasakit si Putol ng Parvovirus, isang uri ng nakahahawa at nakamamatay na sakit ng aso.

Isang linggo aniya siyang hindi pumasok sa eskuwelahan para mabantayan ang alaga hanggang bumalik ang sigla nito.

Kalaunan ay nagkaroon ng dalawang anak si Putol at kulang din ang mga paa ng mga tuta.

Sina Pute at Bunso ay mayroong tigdalawang paa lamang.

Ayon sa isang beterinaryo, posibleng namana ng mga tuta ang kondisyon.

"Kung ano ang nasa nanay o nasa tatay, puwede niyang ipasa doon sa anak niya. Namamana 'yan sa pamamagitan ng genes," ani Dr. Earl Rabara.

Masaya naman si Naval na mas dumami pa ang kaniyang alagang mga aso ngunit balak niyang ipakapon ang mga ito.

"Balak ko pong ipakapon para hindi madagdagan 'yong dogs na mahihirapan," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.