Paano mag-apply sa gobyerno? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano mag-apply sa gobyerno?
Paano mag-apply sa gobyerno?
ABS-CBN News
Published Aug 26, 2017 05:54 PM PHT

Kung nais magserbisyo-publiko sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa gobyerno, maaaring sumailalim sa proseso ng aplikasyon dito, ayon kay Maria Luisa Salonga-Agamata, direktor ng Public Assistance Office ng Civil Service Commission (CSC).

Ayon kay Agamata, upang makapasok sa serbisyo sa gobyerno, "kailangan ng educational qualification, training, experience at 'yong eligibility sa pamamagitan ng career service examination."

Mayroon aniyang 1st level at 2nd level o dalawang kategorya sa pagkuha ng eksam.

Iyong 1st level ay para sa mga nais mag-apply sa mga trabahong maikakategorya bilang clerical, custodial, at trades and crops, at iyon namang 2nd level ay para sa mga trabahong pang-supervisor (technical), ayon kay Agamata.

"'Yong technical kailangan mo ng training, 'pag sinabing technical iba-iba 'e. Sa amin kasi sa government service iba-iba--may accountant... 'yong sa technical sa sciences, sa DOST (Department of Science and Technology) kailangan marunong ka sa field na kailangan, merong textile, sa food," ani Agamata sa panayam ng DZMM.

Mayroon namang mga posisyon na hindi na kailangan ng training, ani Agamata.

Civil Service Examination
Bago makapag-apply sa posisyon sa gobyerno, kailangang Civil Service Exam (CSE) passer ang isang aplikante. Paalala rin ni Agamata, bago magtapos ng kolehiyo ay pwede nang kumuha ng CSE, dahil bukas na rin ito para sa mga edad 18 taon.

Samantala, sakaling bumagsak, aniya, puwede namang kumuha ulit ng eksam.

"Puwede pong mag-retake, 'yong paper and pencil test namin 'yan 'yong aming ina-administer, so every paper and pencil test namin puwede kang mag-take."

Nilinaw din ni Agamata na ang mga board passer ay hindi na kailangang kumuha ng eksam kasama na rin ang mga grumadweyt nang may honor tulad ng Summa Cum laude, Magna Cum laude at Cum laude. Isumite lamang aniya ang mga requirement at ikokonsidera nila ang aplikasyon nito.

Mayroon naman aniyang mga posisyon sa gobyerno na hindi na kailangang kumuha ng Civil Service Exam tulad ng mga job order.

Proseso ng seleksiyon sa mga aplikante
Giit ng program host na si DJ Chacha, minsan ay mayroon na diumanong 'itinatalaga' sa isang posisyon bago pa man ito mailathala.

Pagtatanggi ni Agamata, mayroon aniyang kakayanan ang mga government official na personal na magtalaga sa mga posisyon sa kaniyang opisina, lalo na iyong mga 'pinagkakatiwalaan' niya. Ang tawag aniya sa mga ito ay 'co-terminous' o ang mga naha-hire sa gobyerno na hindi na kailangang mag-exam at hindi permanente sa kanilang posisyon.

Samantala, sinabi ni Agamata na mayroong mahusay na sistema ng aplikasyon ang mga government institution.
Samantala, sinabi ni Agamata na mayroong mahusay na sistema ng aplikasyon ang mga government institution.
ADVERTISEMENT
"Napakahusay ng recruitment at selection process ng government offices. Mayroon tayong tinatawag na 'ethics-oriented personality test' [at] very scientific itong mga ito. Mayroon kaming pamamaraan para malaman namin na kung ito ba talagang aplikante na ito ay ang purpose niya ay magsilbi at secondary lang iyong suweldo, benefits, at security of tenure," ani Agamata.

"...[K]apag mayroong bakante, pina-publish. Kasi mayroong publication requirement na tinatawag per agency," dagdag pa niya.

Inabisuhan naman ni Agamata ang mga aplikante na pumunta sa mga website ng gobyerno upang makita ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno at saka mag-e-mail sa naturang opisina at ilagay ang updated resume.

Regulasiyon matapos matanggap sa government service
Kung sa pribadong sektor ay may SSS (Social Security System), sa gobyerno naman aniya ay may GSIS (Government Service Insurance System), PhilHealth, at PAG-IBIG (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industria at Gobyerno).

Ayon kay Agamata, akala raw ng iba na kapag nasa gobyerno na sila, permanente na sila.
Ayon kay Agamata, akala raw ng iba na kapag nasa gobyerno na sila, permanente na sila.
ADVERTISEMENT
"Sa gobyerno, performance-based ang sinusunod, pero ibig sabihin po no'n security of tenure. Nire-rate kami. Makikita sa kanilang rating system kung na-meet mo ang target mo o hindi."

"Mayroon silang tinatawag na probationary period na mayroong six months ang isang empleyado na patunayan na karapat-dapat siya sa trabaho. Kapag naman hindi siya pumasa, tapos na ang kaniyang employment after 6 months," dagdag pa niya.

Sa usapin naman ng security of tenure, pangamba ng program host na si Marc Logan na may mga pribadong kompaniya na hindi naman aniya 'stable' at nanganganib na magsara.

Ani Agamata, hindi basta-basta nagsasara ang mga opisina ng gobyerno maliban na lamang kung na-'meet' na aniya ng opisina ang layon nito. Sa kaso ng CSC, BIR (Bureau of Internal Revenue) at ng iba pang mga ahensiya, malabo aniya itong magsara at magtatagal ang mga ito habang nananatili ang gobyerno.

Dress code at administrative case
Ipinaalala ni Agamata na tuwing Biyernes ay 'wash day'. Maaari aniyang magsuot nang kahit na ano ang empleyado basta't 'disente'. Tuwing Lunes naman, dapat din aniya na magsuot ang mga empleyado ng damit na inspirado ng Filipiniana o barong.

Kapag mayroon namang nagawang pagkakamali, aniya: "Matatanggal lang po 'yong isang tao kapag napatunayan talaga na guilty sa isang offense at iyon pong penalty ay dismissal. Pero bago po 'yon, may suspension at reprimand. Kapag pasaway na po talaga."

Dagdag ni Agamata, dapat ay pangalagaan ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ang kanilang reputasiyon tulad na lamang ng pag-iwas sa paglalasing dahil maaari sila aniyang pagpaliwanagin ng CSC.

Banat ni Chacha na ang kailangan aniya sa gobyeno ay iyong mga taong tapat upang hindi magkaroon ng isyu.

"Dahil sa iba't ibang kontrobersiya na kinahaharap ng mga sangay ng gobyerno sa mga bagong hina-hire, paano nga ba nasisiguro na ang taong ito pumapasok because they want to serve the country, they want to serve ang taumbayan, at hindi pansariling interes?" ani Chacha.
Maaari namang magsumbong sa komisyon kung may nalamang iregularidad sa hiring process tulad na lamang ng ika nga'y 'palakasan system' sa mga ahensiya, at kanila itong iimbestigahan.

"Kung gusto mong yumaman, huwag kang mag-apply sa gobyerno," paalala ni Agamata.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Sakto
DZMM
DJ Chacha
Marc Logan
trabaho
gobyerno
civil service commission
civil service examination
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT