2 Kapamilya journalists, kabilang sa 2017 Chevening Scholars | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 Kapamilya journalists, kabilang sa 2017 Chevening Scholars

2 Kapamilya journalists, kabilang sa 2017 Chevening Scholars

Abner Mercado,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 16, 2017 08:20 AM PHT

Clipboard

Kabilang sa 27 Chevening Scholars ngayong taon ang mga Kapamilya journalists na sina Chiara Zambrano at Carolyn Bonquin.

Sa isang send-off program na idinaos Martes sa British Embassy sa Taguig City, pinangunahan ni U.K. Ambassador Daniel Pruce ang pagbati sa mga miyembero ng 2017 Chevening Scholar.

Ang Chevening ay pretihiyosong scholarship program ng pamahalaan ng United Kingdom para sa iba't ibang disiplina ng pag aaral sa iba't ibang academic institution sa U.K.

Binati ni Ambassador Pruce ang mga Chevening Scholar sa pagsasalita ng wikang Filipino.

ADVERTISEMENT

"Binabati ko ang mga Chevening Scholar at natutuwa para sa kanilang pagtungo sa U.K. parasakanilang pag aaral." pahayag sa wikang Filipino ni Pruce sa send-off program sa British Embassy.

“I believe his Chevening Scholarship will be a great instrument [to] broaden their perspective. And will make a difference when they get back here in the Philippines after their scholastic stint in U.K.," dagdag na pahayag sa Ingles ng U.K. ambassador.

Sina Zambarano at Bonquin ay mag-aaral ng isang taon sa London sa kani-kanilang napiling masters program kaugnay sa kanilang mga trabaho bilang mamamahayag.

Si Zambrano ay mag-aaral ng documentary making at investigative journalism naman si Bonquin.

"Mahalaga sa akin ang aking matutunan sa U.K. sa ilalim nitong Chevening program na magagamit ko sa aking trabaho sa Pilipinas pagbalik ko," pahayag ni Bonquin.

ADVERTISEMENT

Kamakailan lang ay itinanghal ang special documentary ni Zambrano kasama ang isa pang Kapamilya journalist na si Jeff Canoy.

"Sabi nila bakit pa ako kukuha ng kurso sa paggawa sa documentary making samantalang ito naman ang ginagawa ko na talaga. Pero karagdagang kaalaman ito at magpapalawak ng aking kaalaman at kasanayan pa sa paggawa ng dokumentaryo,” ani Zambrano.

Dumalo rin sa send-off program ang alumni ng Chevening Scholarship kabilang si Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon.

Chevening Scholar alumnus si Gascon na kumuha ng kaniyang law masters degree sa Cambridge University noong 1996. Si Gascon ang nagbigay ng pananalita sa ngalan ng mga alumni ng Chevening Scholar.

Hinamon ni Gascon ang mga miyembro ng 2017 Chevening Scholar na magbalik ng kanilang matutunan sa Pilipinas matapos ang kanilang magiging pag-aaral sa U.K.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.