Bawal ba ang munggo sa mga may rayuma? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bawal ba ang munggo sa mga may rayuma?
Bawal ba ang munggo sa mga may rayuma?
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2017 06:59 PM PHT

Madalas na idinadahilan sa hindi pagkain ng munggo ang pag-atake ng rayuma. Ngunit ayon sa mga rheumatologist, may mga pagkaing mas dapat iwasan ng mga nirarayuma, partikular na ng mga may gout arthritis.

Pinasinungalingan ng rheumatologist na si Geraldine Zamora-Racaza ang paniniwala ng marami na bawal kumain ng munggo ang may rayuma.

“Ang sagot diyan ay hindi. Hindi talaga siya bawal. Kawawa nga po ang munggo [dahil] parati siyang sinisisi. ‘Dok kumain ako ng munggo,’ and they automatically attribute na ‘yung munggo daw ang sanhi ng pagsakit ng kasu-kasuan. This is not true kahit gout pa ang rayuma,” ani Zamora-Racaza.

Paliwanag naman ng rheumatologist na si Ester Gonzales-Penserga, ang gout arthritis ay sanhi ng mataas na uric acid na maaaring makuha sa pagkain ng may mataas na purine. Ngunit, hindi naman aniya mataas ang purine na makikita sa munggo.

Dagdag pa ni Zamora-Racaza, maaaring napagkakamalan lagi ang munggo na sanhi ng rayuma dahil karaniwan itong isinasabay sa pagkain ng beer, maliliit na isda, o chicharon na mataas ang purine.
“Siguro ‘yung munggo nila may dilis, maalat, may chicharon kaya siguro nagkaroon ng atake ng gout. Baka ganun at hindi dahil sa munggo per se. Baka may ibang nagawa, baka nakainom, o di kaya na-dehydrate kaya umatake ang gout.”

Pinayuhan din ng dalawang doktor ang mga may rayuma na umiwas sa mga alcoholic drinks, red meat, at maliliit na isda dahil ito ang mas nagdudulot ng gout arthritis.

“Usually ang matataas talaga ang purine content, unang-una diyan ‘yung mga beer. Alcoholic drinks. So pinakamataas ang beer, also hard drinks, meron din ‘yang mga ‘yan… Mas magandang iwasan ang beer, siguro baka wine better pero mas maganda talagang umiwas sa alcohol,” ani Zamora-Racaza.

“Magandang iwasan ang mga red meat, ‘yung mga shellfish, mga maliliit na isda. Kung pipili po ng isdang kakainin mas maganda po ‘yung mga tuna compared to dilis.”

“’Yung fructose corn syrup, nasa mga juice, desserts, ‘yung ‘yung usually na kinagugulat ng mga pasyente na sinasabihan kong ‘magandang umiwas sa mga ganitong pagkain or inumin dahil nakatataas din ng uric acid or high in purine.’”

Samantala, nilinaw din ni Gonzales-Penserga na mainam pa rin na magbawas ng timbang dahil 80 porsiyento ng uric acid ay galing sa katawan. Aniya, kapag mas mataba ang isang tao, mas mataas ang uric acid nito. Makukuha naman ang 20 porsiyento ng uric acid sa mga pagkain.

Sinabi rin ng mga doktor na ang mga may gout arthritis lang naman ang pinaiiwas sa mga pagkaing mataas ang purine.

Anila, may klase ng rayuma na tinatawag na osteoarthritis. Ito ay dulot ng pagkasira ng cartilage kaya nagkikiskisan ang mga buto.

Upang maiwasan ang osteoarthritis, mainam anila na umiwas sa matataba at matatamis na pagkain.