Empoy, ipinasilip ang kanyang resto-bar sa Bulacan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Empoy, ipinasilip ang kanyang resto-bar sa Bulacan

ABS-CBN News
Published Aug 10, 2017 02:04 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2017 03:50 PM PHT

MAYNILA -- Sakto pang-throwback Thursday, dinayo ng "Umagang Kay Ganda" ang isang '90s themed resto-bar sa Baliuag, Bulacan na pag-aari ng aktor na si Empoy Marquez.

Ayon kay Empoy, nagsimula ang ang Wayback 90's bilang tambayan nilang magbabarkada.

"Tinawag siya na Wayback 90's kasi kahit hindi na kami magkakasama ng mga kababata ko at saka classmate ko ng high school, gumawa kami ng paraan, ng restaurant na dito kami magkikita-kita kahit busy na kami, may mga asawa na, may work," ani Empoy.

Maliban sa masasarap na pagkakain tulad ng gising-gising, sisig at oriental chicken, makikita din sa restawran ni Empoy ang kanyang koleksyon mula sa dekada '90.

ADVERTISEMENT
"Para makita ng mga millenials ngayon kung ano ang magagandang tanawin ng mga '90s tulad ng Family Computer, 'yung masarap na cheese curls yung at saka yung baril-barilan dati. Makaka-relate dito lahat ng (batang) '90s," ani Empoy.