Matapos tanghaling Miss Philippines Water, Jessica ng Girl Trends nagbalik sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2017 01:28 PM

MANILA -- Matapos manalo bilang Miss Philippines Water, bumalik ang Girl Trends member na si Jessica Marasigan sa "It's Showtime" nitong Martes.

Nagpasalamat si Jessica sa kanyang "Showtime" family at sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.

"I am blessed and I'm humbled to have a crown right now. So thank you so much madlang pipol," ani Jessica.

Sumabak nito lamang Sabado si Jessica sa Miss Philippines Earth 2017 beauty pageant na ginanap sa Pasay City. 

Kinoronahan na Miss Philippines Earth si Karen Ibasco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.