#OneLoveOnePinas: Pagmamahal sa bayan, pagmamalaki sa lahi ibinida | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#OneLoveOnePinas: Pagmamahal sa bayan, pagmamalaki sa lahi ibinida

#OneLoveOnePinas: Pagmamahal sa bayan, pagmamalaki sa lahi ibinida

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inilunsad kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ang "One Love, One Pinas" -- ang kampanya ng ABS-CBN na layuning ipakalat sa buong mundo ang mga dahilan kung bakit mahal natin ang Pilipinas at ang pagiging Filipino.

Mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas at ibang bansa, sama-samang ipinagdiwang ng ABS-CBN ang Araw ng Kalayaan sa isang flag ceremony.

Inawit ng University of Santo Tomas singers ang "Lupang Hinirang."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakiisa sina Doris Bigornia at Jorge Cariño sa pagdiriwang kasama ang buong puwersa ng ABS-CBN sa pangunguna ni ABS-CBN chairman Mark Lopez.

ADVERTISEMENT

"Noon, ang ating mga bayani ay kailangang magtaya ng buhay para ipakita ang pagmamahal sa bayan. Sa ngayon, hindi man natin kailangang magbuwis ng buhay, ang hinihingi naman sa atin, ang buong buhay na pagiging matapat sa kapwa, buong buhay na pagmamahal sa pamilya, buong buhay na pananalig sa Diyos," ani Lopez.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gamit ang #OneLoveOnePinas sa social media, hinihikayat ng kampanya ang bawat Pilipino na maging ambassador ng Pilipinas at ipakalat ang pagmamahal at malasakit sa ating bansa, sa ating kapwa, at sa ating pagiging Pilipino.

"Hindi tayo mauubusan ng dahilan para mahalin ang ating bayan," saad ng video ng kampanya.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.