Mag-asawang 'ipinagkasundo' lang, may sikreto sa 50 taong pagsasama | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lifestyle
Mag-asawang 'ipinagkasundo' lang, may sikreto sa 50 taong pagsasama

ABS-CBN News
Published May 29, 2018 05:25 PM PHT
|
Updated May 29, 2018 05:34 PM PHT
Araw-araw hinahatid ni Pedrito Calderon ang kaniyang misis na si Teresita sa sakayan ng jeep na bibiyahe mula Jalajala, Rizal papuntang Cainta, kung saan maglalako ang ginang ng mga gulay at isda.

Tirik man ang araw at kalaban ang antok, buong umaga pa ring mag-iikot si Teresita, o mas kilala bilang "Aling Tessie," sa isang subdivision para maubos ang mga paninda.

Para kasi kay Teresita, ang mahalaga ay may maiuuwi siyang kita para maipagluto ang mister ng masarap na hapunan. Sila na lang din ang magkasama sa bahay dahil may sarili nang pamilya ang mga anak.

Hindi inakala ni Teresita na kahit hindi niya mahal ang asawa noon, ngayon ay umabot na sila sa puntong nais nilang makasama ang isa't isa hanggang sa dulo ng kanilang mga buhay.

Kuwento ng 70 anyos na si Teresita, ipinagkasundo lang ng kaniyang ama ang kasal nila ni Pedrito pero kalaunan ay nahulog din ang kaniyang loob sa malambing at maalagang mister.

"Kasi nga kapag ako'y maghahanapbuhay, minsan hinahatid niya ako, sinasalubong," ani Teresita sa programang "Mission Possible."

May 50 taon nang nagsasama ang dalawa at ayon sa kanila, pagpapasensiya at pag-unawa ang mga sangkap sa pagtagal ng kanilang pagsasama.

"Siyempre nasa pagsasama iyon. Kaunting bagay, huwag palalakihin para huwag maghiwalay, magkakagalit lang kayo," ani Teresita.

"[Kapag nagagalit siya] hinahayaan ko na lang. Kapag sobra na, umaalis ako. 'Pag ako'y wala na diyan edi tapos na, sino pang aawayin niya?" kuwento naman ni Pedrito.

Hindi man nila madalas ipahayag sa mga salita ang nararamdaman, mas higit pa rito ang mga paraan upang maipadama nila ang pagmamahal sa isa't isa.

"Kung kami ay kukuhanin ng Panginoong Diyos, pagsabayin na kami para iisa na lang," ani Teresita.

PAGHAHANAPBUHAY NI ALING TESSIE
May 36 taon nang naglalako ng mga paninda si Teresita at wala aniya siyang balak tumigil, gustuhin man ni Pedrito.

Dati ay si Pedrito ang nagtataguyod sa kanilang pamilya sa pangingisda pero napilitan itong tumigil nang magkaroon ng prostate cancer.

"Mahirap naman 'yong basta ka na lang aasa, hihingi sa mga anak mo. May mga pamilya din naman 'yon, may pinag-aaral," paliwanag ni Teresita.

Dagdag pa ng ginang, nakasanayan na ng kaniyang katawan ang pagtitinda tuwing umaga.

"Kapag tumigil, magkakasakit [ako], hindi puwede," aniya.

Nabanggit din ni Teresita na kaya siya hataw sa paglalako ay upang makaipon ng pambili ng telebisyon para kay Pedrito.

Ang suki mismo ni Teresita ang lumapit sa programang "Mission Possible" para maabutan ng tulong ang masipag na tindera.

Kuwento ng suking si Jun Gador, minsan na rin niyang sinubukang kumbinsihin si Teresita na magretiro pero umayaw ito.

"'Yong mga anak ko, binata't dalaga pa, mga estudyante pa, kilala nila si Aling Tessie. Mabait naman siya, palagi kaming binabati kapag nakikita ko sa daan," kuwento ni Gador.

Bukod sa pagtitinda, pinasok din ng mag-asawa ang pag-aalaga ng mga baboy pero ibinenta rin nila ang mga ito nang magkaroon ng komplikasyon sa puso ang kanilang bunsong anak.

"Siyempre wala kami. 'Yong puhunan namin sa baboy, hayop, pinagbilhan, nagamit namin doon," ani Pedrito.

Mga bagong alagang baboy at telebisyon naman ang natanggap na regalo ng mag-asawa mula sa programang "Mission Possible."

Ito ay para naman kahit papaano ay may iba rin silang maaaring pagkakitaan at hindi na maobliga si Teresita na magtinda araw-araw.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Mission Possible
Julius Babao
hanapbuhay
trabaho
pag-aasawa
kasal
napagkasunduan kasal
arranged marriage
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT