ALAMIN: Iwas-food poisoning tips | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Iwas-food poisoning tips

ALAMIN: Iwas-food poisoning tips

ABS-CBN News

Clipboard

Sinasabing mas madaling mapanis ang pagkain tuwing tag-init, kung kaya't pinaaalalahanan ng mga eksperto ang publiko na mas mag-ingat sa paghahanda ng mga ulam ngayong summer.

Sa panayam ng Red Alert kay Assistant Secretary Eric Tayag ng Department of Health (DOH), sinabi niyang kadalasang nakararamdam ng pananakit ng tiyan at magkakaroon ng sintomas ng pagsusuka at pagdudumi ang biktima ng food poisoning.

"Maaaring magkaroon kayo ng mga sintomas mga ilang oras lamang matapos niyong kumain o hanggang tatlong araw. Sasakit 'yung tiyan niyo, mamimilipit kayo, masusuka kayo," banggit ni Tayag. "Yung pagsusuka o pagtatae, mainam 'yan sapagkat nilalabas ng katawan natin yung lason na naisubo natin."

Makabubuting uminom ng maraming tubig kapalit ng mga nawalang electrolytes sa katawan. Maaari ring gumawa ng homemade oresol. Sa isang litrong tubig, haluan ito ng anim na kutsarang asukal at kalahating kutsaritang asin.

ADVERTISEMENT

"'Yun ang ipainom mo ngayon, tasa-tasa kung bata, baso kung matanda," sabi ni Tayag.

Kung patuloy ang pagsusuka at pagdumi, payo ni Tayag na dalhin sa pinakamalapit na ospital ang biktima.

Para makaiwas sa food poisoning, mainam raw na nakapaghugas ng mabuti ng mga kamay bago magluto. Siguraduhin namang malinis ang paglulutuan pati ang mga sangkap na gagamitin.

Dagdag niyang payo, 'wag paabutin ng apat na oras ang mga nilutong ulam bago kainin.

"'Pag dumating ka doon sa taning na dalawa o apat na oras at hindi pa nakakain 'yun, kailangan ilagay mo na ito sa refrigerator,” sabi niya. "'Wag niyong pagsamahin ang hilaw at luto na. Yung hilaw kasi 'pag nasa isang lalagyan kasama ng niluto, magkakaroon ng contamination.”

Kung mag-iinit naman ng pagkain, iminumungkahi ni Tayag na gawin ito ng hanggang tatlong beses lang.

"'Pag nagluto kayo, yung sapat lamang na kakainin hindi yung sobra sobra," sabi niya. “Ang cardinal rule, hindi ka lalagpas sa tatlong beses na pag-iinit no’n.”

Malalaman naman kung panis na ang pagkain kung ito ay may maliliit na parang bula sa sarsa o sauce ng pagkain. Pansinin din kung nagbago na ang amoy at kulay ng pagkain. Kung may amag na, kailangan na rin itong itapon.

"Kung tayo ay may kasamang bata kumain, 'wag muna silang patikimin ng pagkain. Tayo munang matatanda," banggit niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.