TINGNAN: Lugar ng shooting ng 'Bagani' instant attraction sa Ilocos Norte | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Lugar ng shooting ng 'Bagani' instant attraction sa Ilocos Norte

TINGNAN: Lugar ng shooting ng 'Bagani' instant attraction sa Ilocos Norte

Denis Agcaoili,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 07, 2018 01:44 PM PHT

Clipboard

Sa Suba, Paoay Sand Dunes nag-shoot ng ilang bahagi ng fantaserye na "Bagani," na pinagbibihan ni Enrique Gil. Denis Agcaoili, ABS-CBN News

PAOAY, Ilocos Norte - Sa bagong Kapamilya fantaserye na "Bagani," isa sa limang tribo ng Sansinukob ang mga "taga-disyerto" na kinabibilangan ni Lakas na ginagampanan ni Enrique Gil.

Ang disyerto kung saan kinunan ng fantaserye ay ang Suba, Paoay sand dunes sa bayang ito.

Ang magkakaibigang Elizer Saludares, Jonel Gonzales at Kevin Calut na pare-parehong nagpaparenta ng sand board sa sand dunes, tuwang-tuwa dahil makalipas ng isang taon, ipinalabas na sa telebisyon ang fantaserye na kinunan sa probinsya.

Masasabing naging bahagi sila fantaserye matapos silang naging extra.

ADVERTISEMENT

“Todo bigay kami kahit mainit. Talagang ibinuhos naming lahat ‘yung energy namin. Masaya kami dahil nakuha kaming extra,” Ani Saludares.

“Nasa harap kami nina Rayver Cruz at iba pa. Kami ‘yung nakikipaglaban o mga warriors,” dagdag ni Calut.

Excited sila na mapanood ang sarili kung nahagip ng camera, pero kung hindi, swerte pa rin daw dahil bukod sa nakasama nang malapitan ang mga artista, kumita pa sila.

“Nagkaroon kami extra income na pwedeng pagkuhanan namin ng panggastos sa sarili,” kuwento ni Gonzales.

Nag-sidetrip naman ang ilang turista sa Suba Paoay Sand Dunes matapos mapanood na doon kinunan ang "Bagani" tulad ng mag-asawang Olive at Bong mula Metro Manila.

“Fan kami ng LizQuen, and napuntahan na namin 'to, kaya we thought of travelling kasama 'yung father namin para makita namin saan pinag-shootingan nung 'Bagani.' Excited kami,” ayon kay Olive.

“Talagang natuwa ako dun sa unang panood namin sa TV, kaya gusto namin makita talaga 'yung lugar talaga na pinangyarihan ng 'Bagani.' Kaya masaya kami para dito,” ayon kay Bong.

Ngayon na nakatayo pa ang ilang set na ginamit sa shooting, inaasahan na marami ang gustong makakita nito lalo’t bukas sa publiko.

Mas madaling marating ang set ng "Bagani" kung sasakay ng 4x4. P2,500 ang bayad ng 4x4 ride sa disyerto sa loob ng isang oras.

Ilan ding eksena ng "Bagani" ang kinunan sa bayan ng Burgos at Currimao, Ilocos Norte.

Bukod sa "Bagani," na-shoot din sa sand dunes ang pelikulang "Himala," "Ang Panday," "Temptation Island" at ilang international films tulad ng "Born on the Fourth of July."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.