Gaano karaming itlog ng pugo, balut ang maaaring kainin kada araw? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gaano karaming itlog ng pugo, balut ang maaaring kainin kada araw?

ABS-CBN News
Published Jan 15, 2018 05:05 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2019 01:13 PM PHT

Nakabatay sa timbang kung ilang itlog ang maaaring kainin kada araw upang matiyak na ligtas pa rin ito sa kalusugan, ayon sa isang nutritionist-dietitian.

Ayon kay Dr. Perla Esguerra, kalihim ng Nutritionist-Dietitians' Association of the Philippines, nasa 100 gramo ang pamantayang timbang sa kung gaano karaming itlog ang puwedeng kainin bawat araw ng isang may malusog na pangangatawan.

"Sa mga dietitians, ang pinagbabasehan namin (kung ilan puwedeng kainin) 'yong weight niya in 100 grams," sabi sa DZMM ni Dr. Perla Esguerra, kalihim ng Nutritionist-Dietitians' Association of the Philippines.

"'Yong ordinary egg na medium size, it's about 50 grams. So to have 100 grams, you get two (eggs)," paliwanag ni Esguerra.

Ganito rin umano ang sukat ng wastong bilang ng itlog ng pugo na maaaring kainin bawat araw.

"Kung ang 10 itlog ng pugo will give 100 grams, doon lang tayo magbabasehan. Ang dami nang cholesterol, fats, protein ... dapat may standard weight na pagbabasehan," ani Esguerra.

Pero nagbabala si Esguerra na suriin ang itlog dahil may kaniya-kaniyang sukat at laki ang bawat itlog.

Para naman sa balut, payo ni Esguerra na panatilihin ang pagkain nito sa isa kada araw. Mataas kasi umano ang protina at uric acid ng balut, na posibleng maging sanhi ng rayuma o pamamaga ng kasukasuan at buto.

Para naman sa itlog na pula, sinabi ni Esguerra na wala namang pinagkaiba ang laman nitong sustansya sa itlog na puti o kayumanggi (brown).

Ang kaibahan lang umano ay may karagdagang itong asin.

Nagpaalala rin si Esguerra sa katamtamang pagkain ng regular na itlog kada araw.

Nasa dalawa hanggang tatlong itlog ang maaaring kainin kada araw ng isang taong may malusog na pangangatawan.

Para naman sa mga taong may karamdaman, payo ng eksperto na limita na lang sa isang beses kada araw o tatlong beses kada linggo.

"To play safe, iyong may diabetes o kung elevated talaga iyong blood cholesterol mo, puwedeng three times a week. Pero kung hindi naman, everyday [is] okay," aniya.

Pinabulaanan din ni Esguerra ang paniniwalang delikado ang labis na pagkain ng pula ng itlog sa kalusugan dahil sa dami ng kolesterol nito.

"Kung ano mang dami ng kolesterol sa [egg] yolk na ‘yon ay di naman na-absorb ng katawan mo iyon, so hindi dapat matakot kumain ng yolk lalo na kung in moderation," ani Esguerra.

Nakakasama rin umano ang pagkain ng itlog na hilaw dahil posibleng naglalaman pa ito ng mga bakterya gaya ng salmonella, na puwedeng maging sanhi ng mga sakit.

Mahalaga ring iwasan ang pag-overcook o masobrahan sa prito ang itlog.

Nangyayari umano ito kapag nakitaan ng kulay abo ang itlog na umano'y palatandaan ng masamang sulfur deposit ito.