ALAMIN: Paano gawing bagong putahe ang tirang pagkain | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano gawing bagong putahe ang tirang pagkain

ABS-CBN News
Published Jan 03, 2018 03:23 PM PHT
|
Updated Jan 03, 2018 03:37 PM PHT

Nakaugalian na ng mga Pilipino ang paghahanda ng iba't iba at maraming klase ng putahe tuwing holiday season.

Kaya naman pagkatapos ng handaan, siguradong puno ang mga refrigerator ng mga natirang pagkain.

Para kay Joy Veneracion, marami siyang paraan upang di masayang ang mga pagkain.

"Sa umaga gagawin naming breakfast yung mga natira, o kaya ako babaunin ko sa trabaho," ani Veneracion.
"Sa umaga gagawin naming breakfast yung mga natira, o kaya ako babaunin ko sa trabaho," ani Veneracion.
ADVERTISEMENT
Ibinahagi ng isang eksperto kung ano ang maaaring gawin sa mga natirang pagkain upang ito'y maging panibagong putahe na hindi na kailangang gastusan pa.

"Sayang naman, madaming nasasayang na pagkain tuwing may okasyon... So kailangan gumagawa tayo ng iba pang dishes para ma-enjoy naman ng pamilya natin at di masabi na paulit-ulit 'yung kinakain natin buong linggo," ayon kay Justin Canlas, isang chef.

Isa na dito ay ang hamon na natira sa handaan.

Maaari umano itong gawing sangkap sa sinangag at gumawa rin ng flavored fried rice.

Ang natirang hipon ala pobre naman at ilang pasta noodles, maaaring gawing panibagong dish. Maaari itong lutuin bilang seafood shrimp pasta.

Ang mga natirang hiniwang mga prutas at ilang gulay naman, maaaring gawing salad para di naman masayang.

Di mo na kailangang gumastos pa dahil ang ibang sangkap ay makikita mo lamang din sa inyong kusina.

--Ulat ni Marianne Reyes, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT