Duterte's daughter, ex-wife lead 'Byaheng Du30'

Vina Araneta, ABS-CBN News Davao

Inday Sara Duterte and Elizabeth Zimmerman, daughter and former wife of Davao City Mayor Rodrigo Duterte, lead the Byaheng Du30 bus campaign for the presidential candidate. Vina Araneta, ABS-CBN News Davao

DAVAO CITY - Umarangkada na ang ''Byaheng Du30'' (Duterte) ngayong araw na pinangungunahan ng pangawalang anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Inday Sara Duterte at inang si Elizabeth Zimmerman.

Mula Davao City, bumyahe ang Byaheng Du30 bus papuntang Tagum City, Davao del Norte at dumaan ng Compostela, Compostela Valley.

Didiretso ito sa San Francisco at Bayugan City sa Agusan del Sur.

Pupunta rin ito sa Surigao City, Leyte, Tacloban at Samar.

Ayon kay Sara Duterte, tatlumpung araw ang kanilang byahe sa Visayas at Mindanao para mangalap ng suporta sa kandidatura ng kanyang ama.

Sabi naman ni Elizabeth Zimmerman, ang dating asawa ng alkalde, kahit matagal na silang hiwalay ni Duterte ay nananatili silang magkaibigan at sinusuportahan niya ito sa kaniyang kampanya.

Si Elizabeth ay may sakit na kanser. Kahit sumasailalim ito sa radiation therapy, pinayagan ito ng kanyang doktor na mangampanya.

Ayon sa kanya, naka 18 sessions na siya sa therapy.

 
 

KNOW THE WHOLE STORY