ALAMIN: Maaaring parusa sa taong nag-issue ng talbog na tseke | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Maaaring parusa sa taong nag-issue ng talbog na tseke

ABS-CBN News
Published Apr 11, 2018 04:34 PM PHT
|
Updated Jan 28, 2019 06:43 PM PHT

Kamakailan ay nabalita na pinaaaresto na ng awtoridad ang dating nag-viral na si Christian Albert Gaza, o mas kilala bilang Xian, kaugnay sa umano'y mga panloloko nito sa dalawang investor.

Hindi na umano mahagilap ang suspek matapos mahainan ng arrest warrant dahil sa kasong paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o Anti-Bouncing Checks Law.

Ngunit ano nga ba ang saklaw ng nasabing batas? Ito ang tinalakay ng abogadong si Atty. Claire Castro sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM nitong Martes.

Ayon sa abogado, saklaw ng naturang batas ang mga iniisyung talbog na tseke.
Ayon sa abogado, saklaw ng naturang batas ang mga iniisyung talbog na tseke.
ADVERTISEMENT
"Tumalbog siya kasi hindi siya nadepositohan nang tama tapos nag-bounce, kumbaga bumalik doon sa may-ari," paliwanag ni Castro.

Ayon pa kay Castro, posible umanong hindi dumalo sa mga pagdinig ang suspek kaya nahainan ng arrest warrant.

"Sa BP 22, karamihan, hindi naman nag-i-issue ng warrant of arrest, magpapadala lang ng notice ng hearing doon sa akusado for arraignment, at kapag hindi sumipot ng arraignment sa BP 22, doon puwedeng mag-issue ng warrant of arrest," sabi ng abogado.

Kaparusahan
Maaari naman umanong maharap sa hanggang 13 taon na pagkakakulong ang sinumang napatunayang nag-issue ng talbog na tseke, ayon sa abogado.

"Depende 'yan, kasi may mga pagkakataong umaabot siya ng 6 years, kasi merong isang case, ang amount niya, kung hindi ako nagkakamali, is mga millions din, pero ang pinaka maximun niya is 13 years," ani Castro.

Maituturing din aniya na criminal offense ang paglabag sa BP 22.

Prescriptive period ng tseke
Samantala, ipinaliwanag din ni Castro kung gaano katagal bago mapaso ang isang inilabas na tseke.

"Dati ang BP 22, sinasabi dapat 90 days lang, pero kasi ngayon, allowed ang bank na magkuha ng check within 6 months," ayon sa abogado.

"Pero kung ako ay sigurista at ayokong ma-technical in the future, hindi ko tatapusin ng 3 months, hindi ko tatapusin ng 90 days, ipapasok ko na," dagdag nito.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Usapang de Campanilla
batas kaalaman
Xian Gaza
investment scam
arrest warrant
viral
Anti-Bouncing Checks Law
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT