Mark Anthony Fernandez, laya na

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 02:20 PM | Updated as of Dec 24 2017 02:35 PM

SAN FERNANDO, Pampanga - Matapos ang mahigit isang taong pagkakakulong, nakalaya na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Ayon sa ilang opisyal ng Pampanga Provincial Jail, masayang lumabas ng kulungan ang aktor, Biyernes ng gabi at sinundo ito ng ilang malapit na kaanak.

Oktubre ng nakaraang taon nang mahulihan ng isang kilong marijuana ang aktor sa kanyang sasakyan sa Angeles City, Pampanga.

Nadismiss na ang kasong illegal drugs laban sa dating matinee idol.

Kasong paglabag na lang sa Article 151 ng Revised Penal Code o ang naging hindi magandang asal nito sa checkpoint ang haharapin ng aktor.

Anak siya ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez at dating Parañaque City councilor at aktres na si Alma Moreno. -- ulat ni Kate Cunanan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.