Steven Seagal, nag-taping sa Vigan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Steven Seagal, nag-taping sa Vigan
Steven Seagal, nag-taping sa Vigan
ABS-CBN News
Published Nov 30, 2017 12:42 AM PHT

Bumisita ang batikang dayuhang aktor na si Steven Seagal sa makasaysayang Calle Crisologo sa Vigan.

Doon ang taping para sa television series niyang "General Commander".

Kasama ng aktor ang misis niyang si Elle Seagal, director-producer na si Philippe Martinez, at co-producer na si Chavit Singson.

Ayon sa aktor, ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa Pilipinas.
Ayon sa aktor, ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Napamahal na nga rin sa kaniya ang bansa.

"Salamat po!" Pasampol pa ni Seagal sa kaniyang pagsasalita ng wikang Filipino.

Ayon kay Singson, Pilipino ang malaking bahagi ng crew na bumubuo sa serye ni Seagal.

Maisusulong din ang turismo sa Pilipinas dahil sa serye ni Seagal.

Humanga rin sina Seagal at Martinez sa husay ng mga Pinoy na kasama nila sa mga shoot.
Humanga rin sina Seagal at Martinez sa husay ng mga Pinoy na kasama nila sa mga shoot.
ADVERTISEMENT
"They work very well, the one thing I like about Filipino crew, once we explain what we like to do it's done!" ani Martinez.

Inaasahang tatagal ng siyam na buwan ang shoot ng serye.

Importanteng bahagi ang Pilipinas sa seryeng tatalakay sa organ at drug trafficking gayundin sa terorismo.

Tampok din ang misis ni Seagal sa serye na gaganap na asawa ng crime fighter na karakter ng aktor.

Nakatakda ring mag-taping ang "General Commander' sa Marawi.
Nakatakda ring mag-taping ang "General Commander' sa Marawi.
ADVERTISEMENT
Ipalalabas sa ABS-CBN ang 12 episodes ng serye bago ipalabas sa mahigit 35 iba pang bansa.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Star Patrol
Mario Dumaual
showbiz
entertainment
General Commander
Vigan
Marawi
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT