Misis ni Blakdyak nabigla sa pagkamatay ng singer | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Misis ni Blakdyak nabigla sa pagkamatay ng singer

ABS-CBN News
Published Nov 22, 2016 09:33 AM PHT

MANILA -- Hindi naniniwala ang asawa ng singer na si Blakdyak o Joey Formaran sa totoong buhay, na makakayanan nitong kunin ang sariling buhay.

Sa report ni Hajji Kaamino ng DZMM nitong Martes, sinabi ni Twinkle Estanislao, asawa ni Blakdyak na bagamat hiwalay sila ng isang taon ay maayos silang nag-uusap at walang problema sa kanyang career lalo't sunod-sunod ang kanyang gig sa mga bar.

Nitong Lunes ng gabi ay natagpuang wala ng buhay si Blakdyak sa loob ng kanyang condominium unit sa Sampaloc City.

Sa report, nakita umano ang labi ng singer na may nakabalot na plastic sa kanyang ulo.
Sa report, nakita umano ang labi ng singer na may nakabalot na plastic sa kanyang ulo.
ADVERTISEMENT
Dahil sa pangyayari, nais ng pamilya na ma-autopsy ang bangkay ng singer para malaman ang totoong dahilan ng kamatayan nito.

Samantala, ayon sa isang matalik na kaibigan ni Blakdyak ay nakaranas ito ng stress noong isang linggo dahil nais nitong magkaroon ng out of town shows.

Ayon pa sa singer ay iniiwasan na siya ng kanyang mga dating kaibigan at mga kakilala na kanyang nilalapitan.

Si Blakdyak ay kilala sa kanyang mga awiting "Modelong Charing" at "Good Boy."

Read More:
Blakdyak
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT