Ilang miyembro ng 'Ang TV,' sinorpresa si Jolina

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2017 12:08 PM | Updated as of Nov 06 2017 12:30 PM

MANILA -- Muling nagsama-sama ang ilan sa dating miyembro ng programang "Ang TV."

Bumisita sa "Magandang Buhay" nitong Lunes sina Lindsay Custodio, Nikka Valencia, Farrah Florer at Antoinette Taus para sorpresahin si Jolina Magdangal na nagdiriwang ng kanyang kaarawan at ika-30 anibersaryo sa showbiz.

"Pagkatapos ko ng 14K ay nag-'Ang TV' na ako kaagad. Parang 'yun 'yung first project ko na solo, kaya medyo nangangapa pa ako noon," ani Jolina.

Ayon kay Jolina, labis ang kanyang pasasalamat na naging parte siya ng "Ang TV" dahil nagbukas ito ng mas maraming oportunidad sa kanya bilang artista.

"Sa 'Ang TV' iba din ang disiplina na tinuro sa amin ni Mr. M (Johnny Manahan). Tinuruan niya kaming maging writer at comedian. Basta ang importante kay Mr. M noon na hindi ko din tinanggal sa sarili ko eh maging ikaw. Huwag kang mag-pretend. Ikaw 'yan at ibongga mo ang sarili mo," ani Jolina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.