Anne, Erwan, binisita ang ilang shooting locations ng 'Goblin'

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 05:09 PM

Bagaman nalalapit na ang kaniyang kasal sa nobyong si Erwan Heusaff, hindi papipigil ang aktres na si Anne Curtis sa kaniyang pagkahumaling sa Korean drama (K-drama).

Sa katunayan, bahagi ng itineraryo nina Anne at Erwan sa kanilang pagbisita sa South Korea ang pagpunta sa mga lugar na pinagkuhanan ng mga paboritong K-drama ni Anne.

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Noong Sabado, nag-post si Anne sa Instagram ng maikling video kung saan nililibot nila ang mga kalsada ng Seoul upang mahanap ang tagpuan ng ilang eksena sa K-drama na "Goblin."

"When you find someone who supports the fan girl in you (yes to this level) - you’ve found yourself a keeper," isinulat ni Anne sa caption.

Matatagpuan sa YouTube channel ni Erwan ang buong video ng kanilang pag-iikot sa lungsod.

Bago ito, natupad din ang "dream photo shoot" ni Anne kasama si Erwan sa Nami Island.

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan) on

Hindi pa kumpirmado kung bahagi ang mga retrato sa prenup shoot ng dalawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.