Vhong, gumawa ng sayaw tungkol sa lungkot para sa 'Magpasikat' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vhong, gumawa ng sayaw tungkol sa lungkot para sa 'Magpasikat'

Vhong, gumawa ng sayaw tungkol sa lungkot para sa 'Magpasikat'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 19, 2017 02:14 PM PHT

Clipboard

MANILA -- Sa ikaapat na araw ng "Magpasikat Week" para sa pagdiriwang ng ika-8 anibersaryo ng "It's Showtime," nagpakitang gilas naman ang grupo ni Vhong Navarro.

Isang mensahe patungkol sa kalungkutan at pag-iisa ang pinaghugutan ng mirror dance act ni Vhong Navarro.

Game na naglagay ng prosthetics para magaya ang mukha at galaw ni Vhong sina Erin at Joana ng GirlTrends at Tom, Nikko, Kid at Bugoy ng Hashtags.

Matapos ang kanyang performance, pigil ang emosyon ni Vhong sa pagbabahagi ng istorya sa likod ng kanyang makabuluhang konsepto.

ADVERTISEMENT

"Alam naman natin 'yung nangyayari ngayon sa nag-iisa na lang. Ano ang next step? Paano mo hahanapin ang sarili mo kung wala na ang mga mahal mo sa buhay? Hindi natatapos doon. Nandiyan ang Panginoon at mga taong nagmamahal pa sa iyo. So 'yun ang dapat nating gawin, di natatapos ang oras doon, kaya tayo nandito dahil mayroon pa tayong misyon," paliwanag ni Vhong.

Nauna nang inanunsiyo na makakasama ni Vhong sa kanyang grupo ang aktor na si Joey Marquez. Pero paliwanag ni Vhong, hindi nakasama si Joey dahil sa kinailangan muna itong magpahinga.

Bukas ay nakatakda namang magpakitang gilas ang grupo ni Jhong Hilario at Karylle.

Sa Sabado ay malalaman na kung sino ang magwawagi sa 2017 "Magpasikat Week" kung saan hurado sina direk Rory Quintos, Janno Gibbs, Ina Raymundo, Marc Logan at Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.