Maybahay ni Dick Israel, nasa kritikal na kondisyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maybahay ni Dick Israel, nasa kritikal na kondisyon

Maybahay ni Dick Israel, nasa kritikal na kondisyon

MJ Felipe,

ABS-CBN News

Clipboard

Naabutan ng News team ang anak ng beteranong aktor ni Dick Israel na si Essex sa St. Peter Funeral Chapel kaninang madaling araw kasama sina Nadia Montenegro, Jeffrey Santos at Ynez Veneracion.

Bakas ang lungkot sa mukha ni Essex at hindi pa makapagsalita matapos bawian ng buhay ang kanyang ama sa kanilang pansamantalang tirahan sa Taguig mag-a-alas otso kagabi.

Si Ynez ay isa sa mga naging daan para maabutan ng pansamantalang matitirahan ang pamilya ni Dick matapos masunugan ng bahay noong Hulyo.

Siya rin ang unang nakatanggap ng balita.

ADVERTISEMENT

"Nagulat ako so ang ginawa ko, tinawagan ko na sina Ate Nadia. Sabi ko, 'Ate Nads, si Kuya Dick patay na daw. Paano ang gagawin natin?'" ani Ynez.

Agad silang sumugod sa bahay ng aktor at nadatnan na itong walang malay.

"When we arrived kasi kanina, si Tats was cold and clammy na. Malamig na... I just looked dun sa airway niya kung may nakabara kasi may [stains] ng blood sa lips niya, baka kako may nalunok o may na spew out. Wala namang nakabara so umubo lang siguro talaga 'yung tao o nagkaroon lang ng dugo 'yung lips," ani Jeffrey.

Humihingi ng panalangin ang pamilya dahil bukod sa pagkamatay ni Dick, kritikal din ang kondisyon ng kanyang asawa.

"Si tita ang natakbo sa ospital noong Wednesday night because she had aneurysm, so she's in a coma right now sa ICU sa Makati," ani Nadia.

Ilalagak ang mga labi ni Dick sa St. Peter's Chapel sa Araneta Avenue mamayang gabi para sa mga kapamilya at kaibigan.

Magkakaroon din ng schedule para sa public viewing.

Read More:

Dick Israel

|

UKG

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.