KathNiel pumuntang Malaysia para sa international premiere ng 'Barcelona'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KathNiel pumuntang Malaysia para sa international premiere ng 'Barcelona'
ABS-CBN News
Published Sep 18, 2016 05:53 PM PHT

MANILA – Lumipad papuntang Kuala Lumpur, Malaysia sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaninang umaga para sa screening ng box office movie nilang “Barcelona: A Love Untold.”

Masayang masaya ang dalawa na pumatak sa P23 milyon ang income ng pelikula nila sa unang araw pa lang.

“Siyempre nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga taong nanood nung first day. Umabot tayo sa P23 million. Gusto lang talaga natin magpasalamat. Sana tuluy-tuloy lang ang success ng movie,” ani Daniel.

Ayon sa dalawa, ang pinakamagandang reward sa kanila ay ang mga positibong feedback at reviews, lalo na ang mga nagsasabing nabago ang buhay nila dahil sa pelikula.

“Ang daming nagsusulat ng reviews, ang daming naaapektuhan after watching the movie. 'Yun ang best reward na na-receive namin so maraming salamat sa napakagandang mga feedback,” sabi ni Kathryn.

Excited na rin diumano silang makapunta sa Malaysia para mabisita ang mga Kapamilyang OFW sa nasabing bansa.

Pagkatapos ng kaliwa’t kanang commitments para sa pelikula ay magpapahinga muna ang dalawa bago sumabak muli sa panibagong proyekto.

“Siguro after ng movie, konting break lang tapos sisimulan na 'yung soap maybe early next year. Hindi pa sure,” sabi ni Kathryn.