Susan Roces at Grace Poe, inalala ang 79th birthday ni FPJ | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Susan Roces at Grace Poe, inalala ang 79th birthday ni FPJ

Susan Roces at Grace Poe, inalala ang 79th birthday ni FPJ

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 21, 2018 12:40 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sa pag-aalay ng bulaklak at panalangin sa libingan ni Fernando Poe Jr., ipinagdiwang nina Susan Roces at Senator Grace Poe ang ika-79 na kaarawan ng "Da King."

Kasama ang mga kaibigan at mga taga-suporta, nagsama-sama nitong Lunes ng umaga sina Susan, Senator Grace at ilang mga kaibigan ni FPJ sa Manila North Cemetery.

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

“Mahalaga para sa amin, sa aming pamilya itong araw ng pagsilang ni Fernando Poe Jr. He will be 79 this year,” bungad ng biyuda ni "Da King."

Malaki din daw ang pasasalamat ng batikang aktres para sa pagpapatuloy ng aktor na si Coco Martin sa legasiya ng kanyang namayapang mister sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

ADVERTISEMENT

“Indeed he is!” papuri ng aktres kay Martin.

“Maraming salamat sa pagmamahal ninyo at kahit wala na si Ronnie [FPJ] e patuloy niyo siyang naaalala,” ani Susan.

“Salamat din sa pagtanglilik niyo sa 'Ang Probinsyano' na ginawa pa ng kanyang ama, na ginawa niya ang ikalawang version at ngayon ay patuloy na sinusubaybayan sa telerserye,” pahayag pa nag aktres.

Gaya ng biyuda ni “Da King” todo din ang papuri ni Senator Grace Poe kay Coco para sa nagiging ambag nito sa industriya.

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe) on

“Salamat sa 'Ang Probinsyano' na mataas ang rating, marami ang nabibigyan din ng trabaho,” sabi pa ni Senador Poe.

“Kasi importante na kapag gumawa ka ng pelikula o ng isang television show, unang una may kabuluhan, may kinalaman sa lipunan at mabigyang ng tamang kaugalian ang bawat Pilipino at higit sa lahat, mabigyang ng trabaho ang mga tao sa industriya,” pahayag pa ng senadora.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.