'Horror Queen' Lilia Cuntapay, yumao na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Horror Queen' Lilia Cuntapay, yumao na

'Horror Queen' Lilia Cuntapay, yumao na

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 20, 2016 04:12 PM PHT

Clipboard

Nitong Agosto, nanghingi ng tulong si Lilia Cuntapay upang mabayaran ang kanyang pagpapagamot sa ospital. Benilda Soriano Villena, Cagayan Provincial Information Office

ILOCOS NORTE – Sumakabilang-buhay na sa edad na 80 si Lilia Cuntapay, ang tinaguriang "Queen of Philippine Horror Movies".

Yumao ang artista sa bahay ng kanyang anak na si Gilmore Cuntapay, sa Barangay Tartarabang sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte.

Alas-sais kaninang umaga pumanaw si Cuntapay, na pinatunayan ng kanyang apo na si Elma Cuntapay-Daet.

Ayon sa kanyang anak na si Gilmore, nanghina na kagabi si Cuntapay. “Ramdam ko na nagpapaalam na siya,” aniya.

Dadalhin pa umano nila ang ina sa ospital, ngunit hindi na ito inabutang buhay ng medical team.

"Sinubukan kong i-confine siya sa Abtac Hospital sana, kaya humingi ako ng tulong sa midwife sa amin dito sa bayan ng Pinili, pero wala na siyang buhay nang nadatnan nila,” sabi ni Gilmore.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pamilya ng aktres, balak nilang hintaying matapos ang kaarawan nito sa Setyembre 16 bago ito ilibing sa Pinili.

Matatandaang nagkaroon ng sakit si Cuntapay sa kanyang spinal cord, at ito ang dahilan kung bakit siya naospital, at nahirapang makalakad mula noong Hulyo 5. Nasa pangangalaga siya ng kanyang mga anak noon pang nakaraang buwan.

Nitong Agosto ay nanawagan ang aktres sa kanyang mga tagahanga at nakasama sa trabaho, sa isang video na inilagay sa Facebook page ng Cagayan Provincial Information Office.

"Sa mga concerned citizens diyan, like yung mga directors ko, mga co-workers ko, wala na ako sa showbiz dahil may sakit ako," ani Cuntapay.

"Kung mahal ninyo pa ako, any help will be appreciated."

Sumikat si Cuntapay dahil sa pagganap niya sa pelikulang "Shake, Rattle and Roll" noong 1991, kung saan siya ay naging isang talent coordinator.

Gumanap siya mahigit 70 pelikula at palabas sa telebisyon, kasama na ang iba pang "Shake, Rattle and Roll", "Okatokat" at "Wansapanataym".

Ginawaran si Cuntapay ng Best Actress Award sa kanyang pagganap ng kanyang sarili sa mockumentary na "Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay" sa 2011 Cinema One Originals Digital Film Festival, na nasa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Mula sa report nina Randy Menor at Grace Alba, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.