Luis, nagsalita sa pagbura ni Angel ng kanilang mga larawan

Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2016 07:12 PM

Nagbigay na ng pahayag si Luis Manzano sa balitang binura ng dating nobya na si Angel Locsin ang kanilang mga larawan sa Instagram.

"Ang dami ng nangyari sa mundo bakit nandito pa din tayo. We don't need to talk about it. It's not a necessity. Let them (people) talk about it, enjoy talking about it. I enjoy not talking about it," pahayag ni Luis nitong Lunes, matapos niya muling pumirma ng 3-taong kontrata sa ABS-CBN.

Ayon kay Luis, sa ngayon ay masaya siya sa kung anuman ang mayroon sila ng aktres na si Jessy Mendiola.

"We are going to enjoy everything, both good moment and bad moment," ani Luis.

"Journey (pa lang), wala pang formality, wala pa. We are just enjoying what we are doing," giit ng host bilang sagot kung sila na ba ni Jessy.

Sa nauna nitong pahayag, iginiit ni Luis na walang kinalaman si Jessy sa naging hiwalayan nila ni Angel.