Jake Zyrus, Charice, 'magdu-duet' sa concert | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jake Zyrus, Charice, 'magdu-duet' sa concert

Jake Zyrus, Charice, 'magdu-duet' sa concert

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 09, 2017 12:36 AM PHT

Clipboard

Sa kauna-unahang pagkakataon, magtatanghal na sa concert stage si Jake Zyrus, at 'makaka-duet' pa niya rito si Charice.

Mula nang ibahagi ni Jake Zyrus ang kanyang transition mula sa pagiging si Charice, matutupad na ang kanyang pangarap na makapagtanghal sa personang pinakakomportable siya.

"Finally, sobrang excited ako sa mga music na ishe-share ko sa kanila, sa performance na alam ko na magiging komportable ako," ani Jake Zyrus.

Pero para sa mga nakaka-miss kay Charice, kinumpirma rin ng producer ng concert na magkakaroon ng duet ang dalawa.

ADVERTISEMENT

Sorpresa kung paano ito mangyayari sa all-star benefit concert sa Music Museum sa Oktubre 6.

Makakasama nila sa concert na ito para sa mga pamilya ng mga biktima ng Resorts World shooting ang mga kilala ring singer na sina Bituin Escalante, Mitoy Yonting, Gian Carlo Magdangal, at iba pang concert performers.

Sumulat din ng kantang may mensahe ng pagbangon mula sa mga pagsubok si Noel Cabangon para sa konsert na ito.

Sandaang porsiyento ay mapupunta sa mga benepisiyaryo. Hindi rin nagpabayad ang mga performers at buong production staff. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.