EKSKLUSIBO: Paano ba naging Kapamilya si Aljur Abrenica | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EKSKLUSIBO: Paano ba naging Kapamilya si Aljur Abrenica

EKSKLUSIBO: Paano ba naging Kapamilya si Aljur Abrenica

MJ Felipe,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 04, 2017 10:59 PM PHT

Clipboard

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

MAYNILA -- It's official. Kapamilya na si Aljur Abrenica. At ang kanyang kauna-unahang TV project ay ang "FPJ's Ang Probinsyano."

Sa ginanap na press con ng primetime series, kung saan ipinagdiwang ng buong cast ang ika-isang daang linggo ng serye, ipinakilala na rin sa media ang pormal na pagpasok ni Aljur sa kwento.

Bago pa man sumalang sa harap ng media, nagkaroon na kami ng pagkakataon na makuha ang first ABS-CBN interview sa aktor.

"Matagal ko nang pinapangarap na makatuntong sa bagong mundo. Sa palagay ko po, itong bagong mundo, dito ako mas matututo, mas gagaling at higit sa lahat sa journey to be a better version of myself," bungad ni Aljur.

ADVERTISEMENT

Medyo seryoso ang tono ni Aljur pero ramdam ang excitement at kilig sa tuwing binabanggit namin sa kanya ang salitang "Kapamilya." Aminado siya na mataas ang expectations ng mga tao sa kanya lalo pa't papasok siya sa highest rating series sa Philippine TV ngayon.

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

Sagot niya: "It's a good pressure. Maganda rin na kinabahan ako, tinignan ko na lang sa mabuting side na makakasalamuha ko 'yung magagaling. Maganda siyang oportunidad na may matutunan ako sa kanila."

"'Ang Probinsyano' ang number one show dito sa bansa natin at kilala siya ng buong mundo. Nirerespeto siya. Kinabubuuan siya ng mga respetadong artista at malalalim na aktor na magaling sa craft nila. Sa totoo lang, na-pressure ako."

Mahaba ang naging proseso bago naselyuhan ang pagpasok ni Aljur sa serye. Ang kanyang manager ang nakipag-usap sa GMA-7 at nilinaw niyang wala na siyang kontrata sa network.

Nakipag-meeting ang kanyang manager sa executives ng Dreamscape na sina Deo Endrinal, Rondel Lindayag at Eric John Salut -- at nagkataong interesado ang executives na kunin si Aljur.

"Para po sa akin na naibigay ko na, masasabi ko na sa sarili ko na naibigay ko na ang dapat kong ibigay bilang isang artista. Pero di ko siya kinalimutan -- sa GMA ako nagsimula, sa GMA ako nakilala, GMA din ang dahilan kung bakit ako nandito."

Punong-puno ng pag-asa si Aljur. Para sa kanya, pagkakataon na niya ito para mas mahasa ang kanyang acting skills sa action at lalo na sa drama.

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

Kahapon, nag-first taping day na si Aljur kung saan ang kanyang papel ay may kinalaman sa pagmimina. Sa mga unang larawan na kumalat, topless na nakasakay si Aljur sa isang kabayo.

"Grateful sa mga taong bumubuo ng 'Probinsyano' kasi talagang inalagaan nila, nakita ko kung paano nila ako inalagaan sa introduction ko, lalo na si Direk Malou Sevilla na nakatutok sa bawat eksenang ginawa ko."

Inaasahang mapapanood ang unang eksena ni Aljur sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.