Album na 'MMK Life Songs’ inilunsad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Album na 'MMK Life Songs’ inilunsad

Album na 'MMK Life Songs’ inilunsad

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Bahagi ng 25 na anibersaryo ng top-rating drama anthology na “Maalaala Mo Kaya,” inilunsad kahapon ang "MMK Life Songs" na naglalaman ng mga awitin ng iba’t ibang kulay ng buhay na magbibigay inspirasyon.

Kasama rin dito ang English at Tagalog version ng “Desiderata” na orihinal na isinulat ni Mac Ehrmann at isinalin sa Filipino ni Enrico Santos.

Masaya ang “MMK” host at ABS-CBN executive na si Charo Santos sa positibong reaksyon sa proyekto

“We hope to be able to inspire our Kapamilya, lalo na ang OFWs natin na nag-iisa sa ibang bansa. Kapag nami-miss nila ang pamilya nila, nalulungkot sila, sana makapagdala ng relief sa kanila or kilig,” aniya.

ADVERTISEMENT

Bahagi ng “MMK Life Songs” ang kantang "Sana" na inawit ng apo ni Charo na si Julia Concio at Piolo Pascual.

May special participation din dito ang “MMK” host na binalikan ang pagkanta at recording.

Binalikan din ni Charo ang pagiging aktres sa "Ang Babaeng Humayo" ni Lav Diaz na kasali sa Venice International Film Festival.

“I feel like I’m starting all over again. Parang I’ve come full circle and what can I say? I feel so blessed. It could have been any other actress. This is about Lav this is about the director this is his film,” aniya.

Patuloy pa rin ang pag-iikot ng “MMK” sa iba’t ibang bansa at probinsya para sa Kuwentuhang Kapamilya.

Dito nakakakuha ng mga tunay na kuwento na magbibigay inspirasyon sa loyal viewers ng “MMK.”

“I believe in the resilience of the Filipinos. Matibay tayo, matatag tayo as a people. Sobra ang pagmamahal natin sa pamilya natin, lahat gagawin natin para sa pamilya natin,” sabi ni Charo.

Isa sa top-selling albums ngayon ang "MMK Life Songs" at nagpapasalamat ang lahat ng bumubuo sa proyekto sa mainit na pagtanggap sa inspiring album.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.