KILALANIN: Empoy, dating kontesero, ngayo'y patok na leading man | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Empoy, dating kontesero, ngayo'y patok na leading man

KILALANIN: Empoy, dating kontesero, ngayo'y patok na leading man

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 02, 2017 01:37 AM PHT

Clipboard

Mula sa dating pagsali sa isang noon time show contest, marami nang napagdaanan at malayo na rin ang narating ni Empoy Marquez.

Sa pumatok sa takilyang pelikulang 'Kita Kita' na pumalo ang kita sa P200 milyon ngayon, matindi ang naging pagtangkilik ng mga manonood sa bidang love team nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Hindi naman makapaniwala sa kasalukuyang tinatamong tagumpay si Marquez.

"Hindi talaga ako sanay. Sobrang hanggang parang nanaginip pa rin ako," ayon kay Marquez.

ADVERTISEMENT

Aniya, nasanay umano siya na lagi siyang sidekick, at isang simpleng artista lamang.

"Simple lang ako. Dati sa showbiz, nagba-bus ako. Halos kilala na yata ako lahat ng mga taxi driver. Nakikita nila ako sa TV, pero nagta-taxi ako," kuwento niya.

Taong 2003 nang sumali si Marquez sa timpalak na 'Mr. Suave' ng programang 'Magandang Tanghali Bayan'.

Napasama rin siya sa pelikulang 'Mr. Suave' ni Vhong Navarro.

Hindi naman nabakante ng trabaho si Empoy, ngunit dumating din sa puntong muntik na siyang umalis sa showbiz at mangibang bansa dahil naroon halos lahat ng mga kaibigan niya.

Sa kabila ito, nanatili siya dahil sa mga manonood.

"Hindi ko maiwan 'yong trabaho ko. Sa industriya kasi, hangga't may napapasaya po ako at may natatawa sa akin, lalo ko po itong mamahalin, itong trabaho ko," aniya.

Kung sa pelikula ay nahanap na ni 'Tonyo' ang kanyang 'Lea', sa tunay na buhay ay tahimik ang love life ni Marquez.

Nagkaroon na siya ng tatlong girlfriends, ngunit single at ready to mingle naman siya ngayon sa edad na 36.

Samantala, habang hinihintay pa niya ang kanyang pag-ibig, nakatuon muna ang kanyang pansin sa kanyang showbiz career, lalo't may isa pang pelikula ang AlEmpoy na kukuhanan din sa ibang bansa.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.