Bagong 'PBB' season, hindi sa Pilipinas gaganapin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong 'PBB' season, hindi sa Pilipinas gaganapin

Bagong 'PBB' season, hindi sa Pilipinas gaganapin

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi sa Pilipinas titira ang mga bagong housemates ng "Pinoy Big Brother."

Sina McCoy de Leon, Nikko Natividad, Yassi Pressman, Jinri Park at Juan Karlos Labajo ang mga celebrities na unang makakatikim ng out-of-the-country experience.

Ayon kay Direk Laurenti Dyogi, bagong viewing experience rin ito para sa mga manonood. "Sa tagal na natin sa ere eh medyo nakabisado na ng mga viewers, ng ating housemates [ang Bahay ni Kuya]," aniya ni Dyogi.

Sa Vietnam titira ang housemates. Paliwanag ni Dyogi: "Gusto rin natin ng isang lugar na kahit sa history natin ay may relationship ...There were Vietnamese refugees in Palawan and marami tayong similarities tulad na lang sa prutas at sa temparatura."

ADVERTISEMENT

Kaninang umaga ay bumiyahe na ang mga celebrity housemates sa airport habang naka-blindfold, hood at earphones. Maingat at organisado ang pag-escort at bawal silang lapitan.

Isa-isa silang dumaan sa immigration pero sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nagkaroon ng problema. Na-hold at hindi pinayagang makalipad sina Park, Labajo, at isa pang hunk housemate dahil sa problema sa visa at immigration cards.

Walang ideya ang mga housemates kung saan sila pupunta. Matapos ang two-hour flight ay nakarating na ang mga housemates sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Nakapasok na sa loob ng "Big Brother" house sina De Leon, Pressman at Natividad at kinikilatis na nila ang kanilang titirahang bahay sa mga susunod na linggo. Ayon kay Dyogi, siyam ang magiging housemates ng pinakabagong celebrity edition.

Ngunit puwede pa rin itong magbago depende kung makakasunod sina Labajo, Park at ang isang hunk housemate.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.