KILALANIN: Leading lady ni Coco Martin sa 'Ang Panday' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Leading lady ni Coco Martin sa 'Ang Panday'

KILALANIN: Leading lady ni Coco Martin sa 'Ang Panday'

Rhys Buccat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 06, 2017 11:34 PM PHT

Clipboard

Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News

MANILA -- Abot tainga ang ngiti ng tinaguriang "King of Philippine TV" na si Coco Martin nang ipakilala ang kanyang bagong leading lady na si Mariel de Leon.

Anak si Mariel ng batikang aktor na si Christopher de Leon at Sandy Andolong. Siya rin ang kasalukuyang may hawak ng korona bilang Binibining Pilipinas International.

Nitong Martes ng gabi, kasama ang ABS-CBN News sa mga piling media organization na inanyayahang makasali sa story conference ng Metro Manila Film Festival 2017 entry na "Ang Panday."

Si Coco, na siyang tumatayong bida at direktor ng pelikula, ang mismong naglahad ng plot ng adaptation nila sa obra ng Philippine icon na si Carlo J. Caparas.

ADVERTISEMENT

Bagama't halatang pagod, kitang-kita ang excitement sa mga mata ni Coco, lalo na nang ipakilala na ang kanyang magiging leading lady. Unang kita pa lang daw ni Coco kay Mariel ay alam na niyang siya ang bagay para sa role.

"Basta parang isang araw nakita ko siya sa TV, napanood ko, tapos parang alam ko nang siya 'yong pipiliin ko. Pinatawagan ko agad siya," ani Coco.

Ayon pa kay Coco, ipinagpaalam niyang maigi sa mga magulang ni Mariel ang magiging role nito. Happy naman siya at suportado ng mag-asawa ang showbiz career ng kanilang anak. "Pinapangako ko na talagang aalagaan ko siya," dagdag niya.

Samantala, medyo pressured si Mariel dahil ito ang kanyang magiging unang major role sa isang pelikula. Kaya naman talagang puspusan ang kanyang paghahanda.

"I want to study my character more, and of course, ask my parents for more advice and what I can do in terms of acting. And maybe I'll take workshops na rin and improve my Tagalog," paglalahad niya.

Nang tanungin kung may kissing scene sila sa pelikula, napailing nalang si Coco at tumawa. Pero open naman daw si Mariel basta hindi lalampas sa halik ang ipagagawa sa kanya.

"A kissing scene is fine, but more than that, that's my limitation," ani Mariel.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.