Dick Israel humihingi ng tulong matapos masunugan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dick Israel humihingi ng tulong matapos masunugan

Dick Israel humihingi ng tulong matapos masunugan

April Rafales,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 04, 2016 06:41 PM PHT

Clipboard

Dick Israel

MANILA – Si Ricardo Mitchaca, o mas kilala sa pangalang Dick Israel, ang isa sa mga pinakamahusay na kontrabidang aktor ng kanyang henerasyon.

Nakilala siya sa mga pelikula tulad ng "Patrolman," "Kanto Boy 2: Anak ni Totoy Guapo" at “Badil” sa direksyon ni Chito Rono kung saan ginampanan niya ang role na barangay captain.

Taong 2012 din nang huli siyang gumanap sa telebisyon sa ABS-CBN sa teleseryeng “Kung Ako'y Iiwan Mo.”

Pero nito lang, nabulabog ang social media sa pagkalat ng litrato niyang humihingi ng tulong. Isa kasi siya sa 12 na pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan City noong Sabado.

ADVERTISEMENT

Walang naisalbang kagamitan sa bahay kahit pa ang wheelchair niya dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Hirap na ring makipag-usap ang aktor. Laking pasasalamat na lang nila na walang nasugatan sa kanila.

“Mabilis kumalat ang apoy. That’s life, carry on,” aniya.

Tatlong taon na mula nang ma-stroke siya at ngayon ay may iba pang sakit sa prostate. Kumakatok sa pinto ng mga nakatrabaho at kaibigan ng aktor ang kanyang misis.

“Tulungan sana siya, 'yung gamot na tine-take niya o pinansyal, o kung anong [maitutulong],” ani Marilyn Mitchaca, misis ng aktor.

Sa ngayon wala pang matuluyan ang 68 gulang na aktor at umaasa sa tulong na natatanggap mula sa kanilang mga kapitbahay at kamag-anak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.