Bangs Garcia, iiwan na ang showbiz? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangs Garcia, iiwan na ang showbiz?

Bangs Garcia, iiwan na ang showbiz?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 30, 2017 11:25 AM PHT

Clipboard

MANILA - Inamin ng aktres na si Bangs Garcia na darating ang panahon na maninirahan siya sa London kasama ang kanyang Filipino-British na asawang si Lloydi Birchmore.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, paliwanag ni Bangs na personal niyang desisyon ang manirahan sa London, lalo't hindi naman permanente ang karera niya sa showbiz.

"Actually siya, sabi niya kung saan ko man gusto, doon siya. Willing siyang lumipat dito kung gusto ko. It's my personal choice na doon ako titira with him," ani Bangs.

"Kasi I mean, what I have here is not permanent eh. Showbiz is not permanent. 'Yung kung ano ang mayroon siya, maganda na 'yung career niya. He is a property developer. I'm actually willing to invest with him, gusto ko, pang-lifetime yon. I'm not just acting lang naman, mayroon din akong painting skills and it's one of my dreams na mag-exhibit sa London," dagdag ng aktres.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon ay apat na buwang buntis si Bangs na nais na magkaroon ng baby boy na papangalanan niyang Jacob Lloyd.

Ayon kay Bangs, itong katapusan lang ng Marso nang malaman niyang siya ay buntis na.

"Ang gusto namin lalaki talaga muna para may kuya, hindi ba? Pero siyempre, gusto ko ring magka-girl, gusto ko sana ay bunso. Pero kapag ibinigay ni Lord itong first, okay lang din," aniya.

Matatandaang tatlong beses na nagpakasal si Bangs kay Lloydi.

Una ay Setyembre noong nakaraang taon sa London, at dalawang beses sa Boracay nitong Enero.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.