'Ang Probinsyano': Anak ni Cardo, nasawi sa pagsabog sa mall | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Ang Probinsyano': Anak ni Cardo, nasawi sa pagsabog sa mall

'Ang Probinsyano': Anak ni Cardo, nasawi sa pagsabog sa mall

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 29, 2017 12:06 AM PHT

Clipboard

Isang madamdaming gabi ang sumurpresa sa mga manonood ng "Ang Probinsyano" nitong Miyerkoles ng gabi matapos masawi ang kaisa-isang anak ni Cardo (Coco Martin).

Si Ricky Boy, o Ricardo Dalisay Jr., ay isa sa mga nasawi matapos bombahin ang mall kung saan siya'y namamasyal kasama ang kanyang inang si Alyana (Yassi Pressman) at iba pang kamag-anak nila.

Masaya na sana ang reunion ng pamilya, pero isang bomba ang sumabog at nagsanhi ng pagguho ng ilang bahagi ng istruktura. Nagkaroon din ng stampede at marami ang na-suffocate sa insidente.

Kaya naman sa murang edad ni Ricky Boy, hindi kinaya ng kanyang katawan ang lumaban. Ang kanyang inang si Alyana naman ay sugatan nang dalhin sa ospital.

ADVERTISEMENT

Huli na nang dumating si Cardo dahil wala nang buhay ang kanyang Junior. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw at tanungin ang langit kung bakit kailangang mawala ng kanyang kaisa-isang anak.

"Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita nailigtas," ani Cardo. "Pero ipinapangako ko sa iyo na hindi ako titigil hanggang hindi kita naipaghihiganti."

Ito na kaya ang maging hudyat ng pagbabalik ni Cardo sa serbisyo? Tutukan ang "Ang Probinsyano" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "TV Patrol."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.